Chapter 6 ( Evil Driver)

84 4 0
                                    

Copyright © Nica, 2013

Exhausted, tiresome, and bored. Yan ang nararamdaman ko ngayun. Isang linggo na rin ang nakalipas nong nagbakasyon kami sa South. Hindi na naman kami na trauma, naka move-on na kami sa mga ganon, I did some research at sinabi na may mga ganon pa talagang bagay na nag e-exist. Charge to experience nalang din yun.

I yawned, I'm still sleepy kahit na dalawang buong araw lang akong natutulog. Gumigising lang ako pagkumain o mag CR. Nakatingin lang ako sa TV at panay ang pabaling-baling nang channel. Naramdaman kong may tumabi sa akin, hindi ko nalang pinansin dahil alam ko kung sino ang tumabi sa akin.

"Let's go shopping." Sabi nang ate ko.

Napatingin ako sa kanya with wide open eye. Ang lahat nang pagod na naramdaman ko sa dalawang araw ay nawala na parang bula. I'm not really a shoppaholic but I love shopping! Who wouldn't be, right?

"Taya ka?" I asked.

"Let's shop till we drop." She said while smirking.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Are you sure?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

She just nodded and get up the chair, sinundan ko siya na kinuha ang susi nang kotse niya sa lalagyan nito na nakasabit sa gilid nang refrigerator.

"Hey, Aren't we going to change clothes?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Nah. You look great." Aniya at lumabas na nang bahay, sinundan ko siya at binuksan ang auto niya at umupo sa passenger seat.

I miss riding this car, kahit parati kaming nag-aaway ay pinapasakay din niya naman ako sa kotse niya na kotse noon nang parents namin.

"When is this arrive?"

"What arrive?" Balik tanong sa akin nang ate ko.

"This car. Diba na sa shop toh?"

She nodded.

"It is really strange ate, I saw this car with the same plate number or namamalik mata lang ako. Pero, ito talaga ang nakita ko noon eh..."

I cut my words when my sister hit the brake and I almost bang my head in the front, good thing ay nag se-seatbelt ako.

"When?" Aniya.

"The night before we went to Oslob. I was going to ask him together with the girl when.." Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko nang natandaan ko ang ginawa ni Jigz. I look at my sister na nakatingin lang sa unahan habang mahigpit na naka hawak sa manubela.

"Siguro namalik mata ka lang. Nasa shop ito for a month, impossible." Sabi niya at pina-andar ang kotse.

"Maybe, pero I'm sure sa nakita kong plate number, JCJ 151 yun. As far as I know, hindi pwedeng magkapareha ang plate number nang sasakyan..."

"Just shut up, Akira. Will you?" Buong boses niyang sabi.

Tinaas ko ang kamay ko. "Alrighty then. Jezzz, you don't have to shout and use my awful name."

She just glared at me. Seriously, What is up with her? Mood swing? Hay naku! Ewan, minsan talaga sa babaeng ito! Hindi ko mabaybay ang ugali niya. Ang hirap spellingin!

Walang imikan kami hanggang sa mall. Binigyan lang niya ako nang credit card at nagpa-alam siya na may bibilhin daw siya.

It's the first time na nagyaya sa akin ang wicked sister ko, to some it up, libre pa niya. She isn't that greedy after all.

I busied myself looking for a fashion clothes. I love shopping pero hindi talaga ako shoppaholic. May limit din lalo na at wala akong trabaho, umaasa lang ako sa padala nang mga magulang ko. Pero aaminin ko, Shopping is the best medicine. You can buy all you want, accesories, make-up and other stuff. It surely give satisfaction to yourself. Sa mga taong ayaw ang shopping lalo na at may pera? Well, isa lang ang masasabi ko, they were out of fashion to their selves. Ang ate ko nga na kuripot ang hilig mag-shopping. Sometimes, I get jealous with my sister. Everyone loves her kahit hindi masyadong kagandahan ang ugali niya. Well, she is damn gorgeous. With her morena skin and long pointed nose, pero mind you, hindi din naman flat ang ilong ko noh! Sadyang mas maganda lang talaga ang ilong niya. Sino ba naman ang aayaw sa kanya? Sa itsura pa lang ay nakaka-akit na. Alright! Enough with my sister at baka madapa pa iyon dahil sa pagpupunyi ko sa kanya.

Being Single is PRICELESS (ON-HOLD)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora