Chapter 8 (First day)

84 1 0
                                    

Copyright © Nica, 2013

Chapter 8 ( First Day)

I pressed the door bell of Charlotte's house. Kukunin ko lang ang susi nang locker room namin, hindi na kami parehas nang schedule. Buti siya at maganda  ang class schedule, samantalang ako ay napaka pangit. Napunta ako sa pinaka pangit na slot. Letche talaga. At kailangan ko pang gumising nang maaga bukas dahil alas siyete ang unang subject ko.

Binuksan nang Mama niya ang gate, I greeted her and asked where Charlotte is. Sinabi niyang nasa kwarto ito. Kilala na din ako nang mga magulang ni Charlotte at parati din akong pumupunta dito.

Kumatok ako sa pintuan nang kwarto niya pero walang sumagot, I checked the door knob pero hindi ito naka-lock kaya binuksan ko. Nakita kong nakatulala si Charlotte sa binabasa niyang tiny folder. I walked slowly towards her.

"Hoy!" Sabay yug-yog sa balikat niya. Nagulat naman siya at namutla. She was going to hide the card pero nakuha ko ito agad.

Pumilit siyang kunin ito pero tinaas ko ang papel. Inabot niya ito, ngumisi lang ako dahil mas matangkad ako sa kanya. "Ano ka ba Rianne! Akin na nga yan!" Sabay lukso pa rin.

"Can I just read it first? Ang arte mo ha." Nakangisi kong sabi.

Binuklat ko ang card sa itaas at binasa ito nang malakas.

"You have no idea how happy am I hearing you calling my name. It feels wonderful. So, I guess you knew who I am...." 

"Ano kaba!" Sabay hablot nang card ni Charlotte sa akin. Shit! Pinutol niya ang pagbabasa ko.

"Sino ba yan ha? Ang sweet!" Tili-tili kong sabi. Kukunin ko sana balik ito pero hinarangan niya ko gamit ang palm niya. Nakasimangot akong umupo sa kama.

"Ang arte mo talaga. Well, privacy mo yan, e." Pakunsensya kong sabi. Pero hindi natinag ang bruha. Tinago niya ang box na puno puno nang cards sa kabinet niya at nilock ito. 

Binigay niya sa akin ang susi nang locker room at pina uwi na. Ang arte talaga nang babaeng iyon. Kailangan ko ding umuwi nang maaga kasi maaga pa akong gigising bukas. Bukas magsisimula ang kalbaryo nang buhay ko.

Maaga akong nasa school at pumasok sa classroom nang una kong subject nagulat ako sa bumungad sa akin. Hindi ko inakala na sa ganito ka aga ay andami nang studyante sa classroom na ito. Ang masaklap pa, wala akong kakilala ni isa, wala! Naghanap ako nang bakanteng silya, mabuti naman at merong bakante sa pinaka gilid.  Pinili ko ang nasa gitna nang tatlong bakante, Second to the last row at nasa pinaka gilid. Umupo ako don.

Gusto kong takpan ang tainga ko dahil sa daldal nang katabi kong mataba. Nakaka-inis ang boses niya. Huminga ako nang malalim habang nanliit ang mga mata ko at magkasalubong na ang mga kilay. Ginawa ko ang lahat para mapansin niya kong gaano ako ka irritado sa kanya pero deadma lang siya.

Mas lalo akong na irritado nang may biglang pumasok sa classroom nang siyang dahilan kung bakit natahimik ang lahat. Nakapamulsa siya habang gulong-gulo ang mga buhok nito at parang inaantok pa, nakasimangot siya nang pumasok pero nang magtitigan kami ay biglang ngumisi at nilagpasan ako at umupo sa likod ko.

Shit! What a lucky day, isn't it? May hambog na walang ibang si Jigz sa likod ko, bungangerang katabi. What the hell else do I ask for? Note the sarcasm.

Napabuntong hininga ako sa napaka bungangera nang katabi ko. Hindi ko na alam kong ika-ilang buntong hininga ko na ito. I felt the hand tapped my shoulder at nilingon ko ang nasa likod ko. Nakangisi pa rin siya habang enjoy na enjoy and ekspresyun nang kanyang mukha. Kumunot ang noo ko at inirapan siya. Narinig ko ang mahina niyang tawa. Arrgggghhhh. Sobrang na iirita ako sa kanya. 

Being Single is PRICELESS (ON-HOLD)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora