Chapter 17 (Housewarming Party)

50 3 0
                                    

Copyright © Nica, 2013

"Close your eyes." Sabi sa akin ni Sabrina.

I rolled my eyes at ginawa ang sinabi niya. Nandito kami ngayun sa kanila para mag prepare sa house warming party ni Kurt. Napag isipan namin na dito na dahil gusto ni Sabrina na siya ang mag-ayos sa amin. Tapos na niyang inayosan si Mikaela. At napa WOW talaga ako, mega make-over ang ginawa ni Sabrina sa kanya. Tinanggal ang eyeglasses nito though she's now wearing contact lens. Sabrina iron her hair too at nilagyan nang light na make up. I'm so sure that every guy in that party will turn their head kapag nakita nila si Mikaela.

Naramdaman ko ang malamig na nilagay ni Rina sa mata ko. "Wag kang dumilat para hindi makalat ang liquid eye liner." Aniya.

Ginawa ko ang sinabi niya at hindi dumilat hanggang sa tinapik na niya ang balikat ko na pwede ko nang ibukas ang mga mata ko. Maraming nilagay si Sabrina sa mukha ko. Brush dito, brush doon panghuli ang lipstick. Pinaso-ot niya din ako nang simpleng top tank at maikling  angkop na goldeng palda. She curl the end of my hair that made it bouncy and alive.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Na bagsak ang panga ko, Mukha akong hindi 17 years old sa itsura ko. I look matured though classy at para talagang party goer ako sa itsura ko.

"Rina! Why are we so dressed up?! Housewarming party lang naman ang pupuntahan natin." Sabi ni Mikaela sa kay Sabrina na ngayun ay si Charllote naman ang inayosan.

Hindi talaga kami mahilig sa ganitong bagay. Though, Charllote went to clubs too pero hindi katulad ni Sabrina na clubholic. 

Sabrina rolled her eyes habang nakakapit sa curlier na nakapulupot ang iilang hibla nang buhok ni Charllote. "I know their are lots of hot men in there! Wag niyo namang ipapahiya ang sarili niyo at magsuot na parang manang! To sum it up, marami ding bitches don." Sabi niya at inayos ang buhok ni Charllote.

Tumango nalang kami kaysa makipagtalo. She got a point, kung para kaming manang don ay paniguradong bukang bibig kami sa mga babaeng maarte kung nagkataon.

Apat na building ang magkatabi sa condo ni Kurt. Nang pumasok kami sa unit niya ay maingay na at marami nang tao. Si Chase at yung iba pa naming mga kaklase ang nandito hindi ko na sila binati isa-isa dahil abala sila sa kanilang ginagawa. Nagsisiksikan kami sa unit ni Kurt, nakita ko sa center table ang iba-ibang hard liquors drink. Ang malaking chivas regal and absolut nga ay kalahati nalang. Meron ding local beers at iba pang inomin. 

Nagtungo kami sa may kitchen at umupo ako sa high chair.  Sabi sa akin ni Kurt na karamihan daw sa mga tao dito na nakatira sa building ay nagpaparty dahil ngayun daw ang turn-over nang unit nila. Bago lang itong natapos kaya maraming nag house warming party. Ang sabi din niya na ang iba daw niyang bisita ay nasa pool at naliligo at nag-inuman rin. 

Nagtungo kami sa veranda nang unit niya at kitang kita sa ibaba nito ang kumikinang  tubig nang pool kasabay nang ilaw sa paligid. Marami ding tao ang nasa pool at ang iba ay nasa labas habang may bitbit na mga baso at may lamang inumin.

"Woooo! Party!!" Sigaw ni Sabrina habang winawagayway ang mga baso at inabot sa akin.

"I don't wanna drink, Rina!" Mariin kong sabi at binigay ulit sa kanya ang baso.

"Ang KJ naman nitong bestfriend mo Charllote!" Sabay tingin niya kay Charllote habang ininom ang isang shot nang tequila. Napangiwi ako sa ginawa niya.

I'm not really into this thing. I'd rather stay at home and read some books kaysa sa mga ganitong bagay. I bet Mikaela thought the same way too.

"Bahala na nga kayo! Tayo na Charllote at pagpalunod tayo." Sabi niya sabay hila ni Charllote patungo sa loob nang unit. Naiwan kaming dalawa ni Mikaela sa labas na tumatanaw na lamang sa skyscraper.

Being Single is PRICELESS (ON-HOLD)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang