Minahal kitang tunay
Sayo'y inalay aking buhay
Ngunit ika'y kailangan iwan
Hindi tama ating pag-iibigan
Mga paratang sa aki'y pinukol
Sa iyong magulang daw ako'y nagpasuhol
Hindi nila alam aking kalagayan
Noong panahong ika'y aking nilisan
Ako ngayo'y hindi nagsisisi
Sa pag-ibig na hindi pinaglaban dati
Nais ko lamang hindi mo masaksihan
Aking paglisan buhat ng kamatayan