Minamasdan ka mula sa bintana
Umaasang ako ay iyong makita
Tinititigan ang maganda mong mukha
Pinapangarap na makapiling ka
Isang araw aking nakita
May lalaki kang kasama
Kagalakan sa'yong mata'y nakikita
Sa piling ng taong sinisinta
Mundo ko'y biglang bumagsak
Pangarap biglang nawasak
Pagtingin hindi man lang napagtapat
Pag-ibig ko'y isa na lamang alamat
Sa pighati ako ngayo'y balot
Nakuha na ang taong gusto kong maabot
Puso ay puno ng lungkot
Pagsinta'y ibabaon na lang sa limot