Alaala mo'y sa akin muling dumaan
Noong araw na kami'y iyong iniwan
Kapatid kong minahal ng lubusan
Mga pangaral mo'y hindi malilimutan
Sa iyong ginawa ako'y nagpapasalamat
Iyong kadakilaan ay tunay na maalamat
Apoy ay kinaharap para sa katawan naming marupok
Iyong katawan ay bigla na lamang natupok
Sa mundo ika'y alala na lamang
Ngunit sa iyo'y walang lalamang
Pagmamahal sa ami'y walang kapantay
Buhay man ay handa mong ialay
a/n: Naisip kong magdedicated naman dito naisip ko si loverboy. Hahahaha. Hello malabongkausap!