Pamilya ko ngayo'y naghihinagpis
Kamag-anak nakitang patay na walang tapis
Ako ngayon ang kanyang bantay
Upang katawan ay di matangay
Damdamin ko'y biglang nayamot
Sa mga kapitbahay kong dugyot
Kape, kendi at biskwit ay tinira
Hindi naman halata na sugapa
Sa labas ay nagbibingo sila
Sugal ata pinunta nila
Sa ganitong panahon dumadami aming kakilala
Feeding program ata akala nila
Pati palaboy nasa aming bahay
Sila daw ay nakikiramay
Hindi naman nila kilala ang patay
Ganoon daw sila magmahal; tunay
Sa mga kapitbahay kong di nakalimot
Maraming salamat sa pangbuburaot
Naramdaman namin inyong pagmamahal
Sa pamamagitan ng panggagarapal