III

733 10 4
                                    

Kabataan ang pag-asa ng bayan

Tama pa ba ang sinabi ni Rizal?

Sila ba ang babangon sa atin mula sa kahirapan

Ang wawasak sa gapos na sa ati'y sumasakal

Ang mga kabataan ngayon ang dahilan

Kung bakit populasyon ay lumalawak

Suki sila sa mga panganakan

Buhay nila ay unti-unting nawawasak

Namulat sa karahasan mga batang isipan

Pananakit ay hindi na kasamaan 

Nawawalan na ng mabuting asal

Hindi nila alam ang pagdarasal

Pinagsasamantalahan ng mga abusado

Sa ilegal na gawain sila ang instrumento

Hagupit ng latigo kanilang nararanasan

Sila ang mga nanlilimos malapit sa simbahan

Ito ang mga kabataan ngayon

Ang sinasabing sa bayan magpapaahon

Sarili nga nila'y hindi mapalamon

Paano nila tutulungan ang bansa bumangon?

Mabuting asal dapat ipakita

Upang ito ang kanilang makuha

Dapat tayo maging halimbawa

Sa kabataang tinuturing na pag-asa

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon