Puso ko'y puno ng galak
Kamay mo'y aking hawak
Pagbitiw ay hindi balak
Aking nadarama'y tiyak
Pagdating mo'y aking pinasasalamat
Prisensya mo'y higit sa sapat
Damdamin sa iyo'y hindi mapaliwanag
Puso ko ay tuluyan mong nabihag
Nang mata'y aking ibukas
Wari'y katawan ay nawalan ng lakas
Tila ka isang bula
Sa piling ko'y biglang nawala
Sa buhay ko'y ikaw lamang dumaan
Isa ka lamang produkto ng aking isipan
Ngunit bakit sa puso ko'y ikaw ang laman
Minahal na ata kita ng lubusan
Sa bawat pagpikit ng aking mata
Hinihiling ika'y muling makita
Sa panaginip na lamang ba kita makakasama
Mananatili ka na lang bang isang alala
a/n: Hello po Banana Queen! :)