Just Got Married

9.2K 41 1
                                    

Chapter 1

Bakit traffic sa loob ng university? Anong kalokohan ito? Nalipat na ba ang EDSA sa university? Waaaaaaaaah! Parang 1 year lang akong nawala ah? Bakit hindi ko to nabalitaan?

Manong Guard: Good Morning! ^__^ University sticker po?

Paktay! Nakalimutan kong manghingi. Charms please gumana kayo.

Me: Good Morning Kuyang Guard ^___^ Ano po kasi eh…….

Anong idadahilan ko dito?

Ay tama! Bakit ba ako kakabahan eh? Nagexchange student lang naman ako sa States for a year ah?! TAMA!

Me: Kuya nag-exchange student po kasi ako for a year sa States eh. Kakauwi ko pa lang po nung isang araw at kailangan ko na pong magreport sa dean namin.

Manong Guard: Miss, kung hindi lang foundation week ngayon paniniwalaan kita eh kaso foundation week eh, madaming gustong pumasok eh. Kaya kung pwede po tumabi na po kayo at lalong humahaba ang pila sa gate ^_^

Ahhh! Kaya pala medyo traffic at ang daming tao! Bakit ba nakalimutan ko? Ano kayang gagawin ko? Nakalimutan ko pa yung ID sa bahay. Tsss.

Tatabi na sana ako nung biglang….

Tatay Lito: Saab?!

Me: Tatay Lito! Hello po!

Tatay Lito: Sabi ko na pamilyar kasi yung kotse mo eh. Kailan ka pa bumalik?

Me: Nung isang araw lang po.

Manong Guard: Pare kilala mo?

Ay oo nga pala papasok pa ako. Savior ka talaga Tatay Lito ^__^

Tatay Lito: Ah, oo. Estudyante yan dito kaso nag-exchange student sa Amerika ng isang taon.

Manong Guard: Ah ganun ba? Sensya na ah? Sige pasok ka na.

Me: Okay lang po, buti nga po yun at nagtatrabaho po kayo ng maayos eh. Sige po! Medyo nagagalit na po ata yung mga tao sa likod. Hehe.

Salamat talaga kay Tatay Lito at nakapasok na ako. Haha. Paano nga pala ako magpapaalam kay Dean neto? Sigurado busy siya niyan. Tsss! At bakit ang mga bruha kong kaibigan eh, ni hindi man lang ako sinabihan?

Don’t tell me nagtitipid na naman sila sa load?! Eh nakaline kaya sila! Tss!

Just Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon