Chapter 40

1.8K 12 1
                                    

Chapter 40

 

 

Zet’s POV

 

 

Badtrip talaga! Tangina men!

Ano ba kasing pinag-awayan namin?

Nag-away ba kami?

Basta alam ko dumating na si Tito Lemuel at di na nasagot ni Bogs yung tanong ko, kaya nababadtrip ako. Ni text o tawag di kayang sabihin yun?! Pakshet lang.

Ilang araw na kaming walang tawag o text. Badtrip pa rin kase ako.

Hindi naman kasi sa pinapapili ko siya kung ako o yung pamilya niya…ang gusto ko lang naman marinig sa kanya yung  I Love You Too -___-

Mommy: Zet, ang aga-aga BV ka. Nag-away kayo ni Saab? HOY SEBASTIAN ROMUALDEZ, AWAYIN MO NA      LAHAT NG TAO WAG NA WAG LANG ANG ANAK KO AH?! HALA MAKIPAGBATI KA DUN! ANO BA KASING GINAWA MO?!

Ako: Ma ako yung anak niyo.

Mommy: Whatever! You won’t eat breakfast not unless okay kayo. Alis na!

Ugh! Lumayas na nga lang ako sa bahay. Pagtutulungan lang nila ako eh.

Tinawagan ko sila Jake para makapag-pawis ng konti. Badtrip talaga!

-______-

Nash: LQ?

Jake: Di bagay.

Ryan: Malamang kasalanan yan ni Zet. Hahaha.

Nash: Oo nga. Haha. Siya lang naman moody. Alam mo naman si Crush, mabait yun.

Jake: Malay niyo naman….deh, si Zet talaga may kasalanan. Hahaha.

O sige, ako na may kasalanan. Psh. Di naman kasi kami nag-away eh.

Binato ko na lang sila ng bola para matigil sa paninira sa akin sa harap ko. Nakaramdam naman sila. Buti naman dahil kung hindi…sasapakin ko sila isa-isa. Ngayon pang badtrip ako.

Just Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon