Chapter 13

2.3K 17 1
                                    

Chapter 13

 

 

Bogs: Virgin ka pa ba?

Di pa nga kami nag-uumpisa ganyan na siya magtanong. Tsk. Malala na to, nagmamalfunction na utak eh.

Bogs: I mean nakafirtstime ka na ba? May experience ka na?

Tanong na naman niya habang nagaayos ako ng baso. Sige na sasamahan ko na siyang uminom. Nag tig-isa kami ng baso kasi pareho kaming maarte at pareho naming ayaw magkasundo. Kasi daw pag natikman mo daw yung laway nung isang tao magkakasundo kayo. Weird. Pero sabi niya eh, ganun daw kasi ginawa niya kay Michi. Lutang na eh noh? Konek ng sa aso at sa tao.

Me: Mga tanong mo eh. Sana kung lalaki ka para comfortable pag-usapan di ba?

Bogs: Wow! Babae pala ako sa paningin mo. Hahahaha. I knew it, attracted ka din sa akin noh?

Tanong niya habang tumatawa at inaabot yung baso niya. Ano ba talaga? Kanina iba yung sinasabi? Haaaaaaay.

Me: I never said so. Kaya ka nasasaktan mahilig ka kasi mag-assume eh.

Bogs: Alam ko yan.

Sabi niya tas nilunok yung nasa baso niya. Lahat-lahat. Tinaas niya ulit para tagayan ko siya. Sige lang, wag lang siyang susuka sa couch ko. Favorite couch ko kasi to eh. Nakaupo kasi kami sa may carpet at siya nakasandal sa couch ko.

Bogs: Bogs matalino ako…….alam ko naman na masasaktan lang ako mag-assume eh. Kaso di ko napigilan…….ang harot kasi ni Ivan eh. Yung tipong parang kami pero hindi….lahat ng bagay na ginagawa ng magBFGF ginagawa namin…..HOY!!!! Except sa sex ah……kahit nga kiss di pa namin nagawa eh….sa cheeks lang. Tanga ba ako para magexpect?

Habang sinasabi niya lahat yun nakatitig siya sa akin just like begging for me to say something that would calm her, pero ako si Zet eh.

Me: Gusto mo talagang sagutin ko yan?

Bogs: Wag na. Wala ka naman kasing experience eh. Paano mo ako mabibigyan ng matinong sagot?

Akala nitong babaeng to. Bottoms up na naman yung sumunod na shot kaya nilapit ko na sa kanya yung bote. Mapagod pa ako kakaabot sa shot niya.

Me: Bogs para sabihin ko sayo hindi lang sa experience nakakakuha ng sagot sa mga ganyang tanong. Minsan sa observation at logic lang may maisasagot ka na eh. Sa taong punong-puno ng emotions magagalit sa sasabihin ko pero sa taong ginagamit ang utak maiintindihan niya. Alam mo Bogs, pareho kayang tanga pero mas tanga ka.

Just Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon