Chapter 2.10

355 11 3
                                    

Saab's POV

 Pagpasensyahan ninyo ako kung magbibitiw ako ng isang napakalutong na 'SHIT!'

Shit! Kasi kinikilig ako.

Shit! Kasi parang panaginip lang.

Shit! Kasi eto na talaga yung hinihintay namin.

Shit! Kasi punyeta! Di ako makapag-isip ng tama.

Parang kailan lang nag-iinuman kami ni Bogs dahil brokenhearted ako. Akalain ko ba na kami pala magkakatuluyan? Syempre hindi! Kung alam ko lang, edi sana napigilan ko lahat ng to. Hindi dahil ayaw ko sa kanya, but because he was far from my ideal husband.

Punyeta, ang layo-layo talaga niya sa inimagine kong asawa. Tsk. Pero sabi nga, malayong makatuluyan mo yung ideal type mo kasi SHET di ako makapag-isip ng tama.

Mukha lang akong lunatic dito sa harap ng salamin. Nakangiti sa kawalan. Mukhang tanga, gaga at higit sa lahat inlove. HAHAHA. Ang ganda ko kaya haler!

"Apo, could you please be more sophisticated. You look so lunatic on cam."

Psh. Si Lola talaga -__-

Eh sa kinikilig pa ako eh! 

Make-up session lang pero may tatlong camera ang nakatutok sa akin -__- Well, eto yung kapalit nung pagiging solemn wedding namin. Kailangan daw maganda ang pagkakadocument para sa video presentation for press release. 

Lahat ng taong mahal ko at malapit sa akin nandito ngayon sa espesyal na araw na to. Halos lahat sila kanina nandito, pero dahil nagugulo na kami masyado, pinalayas sila ni Lola -__-

Pero PAKSHET! Kinikilig talaga ako BWAHAHAHA.

Hustisya!!!!

Zet's POV

Kung di lang dahil sa Lola ni Bogs, nasapak ko na tong photographers and videographers namin. Ang daming alam eh. Nabibilad na ako sa araw. Lintek. Ang init eh.

Kanina pa kami nagsho-shoot sa labas with the boys and the whole family. Kapag ito hindi maganda kinalabasan, mabubugbog ko sila.

 Buong barkada kasama namin para sa lintek na kalokohang to. Hindi yung kasal ah, yung nakakaasar na pictorial -__-

 Sa dinami-dami ng gusto nilang shots, mukhang di kami matatapos -__- Kapag kami di kami nakasal ni Bogs, maghuhumeantado talaga ako. 

"Ano bro? Ramdam mo na ba?"

"Tangina. Wag niyo ko kausapin."

"PMS?"

"Shit! Di na ako makapaghintay!" bulalas ko.

Sabay-sabay silang napanganga sa sinabi ko. Mga ugok talaga. Halang talaga mga isip nitong mga to.

"...na matapos tong shoot. Init. Pucha." reklamo ko pero wala namang talab.

Bwisit. Ilang araw na kami ni Bogs di nag-uusap dahil sa mga pamahiin nila -__- Para namang papayag ako na di kami makasal. Tangina lang. Wala akong aatrasan, matuloy lang ang kasal namin. Gigil na gigil na akong pumirma ng marriage contract para naman mapasaaakin na talaga yang babaeng yan.

Si Saabrina Isabel na ubod ng arte sa katawan.

Si Saabrina Isabel na ubod ng drama.

Si Saabrina Isabel na ubod ng stubborn.

Si Saabrina Isabel na punyeta, mahal na mahal ko.

Ang lakas talaga ng gayumang ginamit ni Bogs sa akin. Sinong mag-aakala na ako, si Sebastian Romualdez, mababaliw sa babaeng yan. Tsk. Tsk.

Just Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon