Chapter 16

2.3K 16 5
                                    

Chapter 16

 

 

Ivan’s POV

 

 

Pakispell nga yung tanga.

I-V-A-N

Ang gago ko. Tsss. Torpe pa. Lahat na lang. Bakit kasi masyado akong naging confident sa sitwasyon namin ni Saab? Fuckthat.

Tapos pagdating naman ng tamang time sana tsaka naman masisira. As I was talking to her that Sunday, yung idea na yun yung pumasok sa isip ko. Nakakatawa nga eh…rush lahat.

Bakit nga ba yun? Gusto ko kasi gayahin yung sa napanuod ko sa youtube sobrang sweet kasi nun eh. Kaya nga kunyare sa iba ako magpopropose eh…tapos in the end sa kanya pa din. Ang sakit din kaya sa akin na makita siya na ganun pero tiniis ko para din naman sa amin yun eh. Kaso sa youtube everything was perfect….at higit sa lahat walang Zet.

 Ang sakit din kasi na ipamukha niya sa akin na friends lang kami. Tapos halos lahat ng taong malapit sa amin sinasabi na nagiging close na si Zet at Saab.

Actually, hindi ako natatakot kasi si Saab yun eh. Once na mainlove siya yun lang taong yun. Tsaka hindi niya type si Zet. Ayaw niya sa mga basagulero at mayayabang. Kaya nga nagbago ako para sa kanya. Ginawa ko lahat para maging tama sa mata ni Saab. Kinalimutan ko yung barumbadong Ivan nung highschool. Yung Ivan na punong-puno ng pasa ang katawan. Yung Ivan na bad boy.

Sa isang seminar ko nakilala si Saab nung highschool. Galing siya sa isang exclusive school for girls at ako sa coed. Siya yung representative ng school nila nun na magsalita sa stage….pero hindi ko alam kung ano ba yung pinagsasabi niya dun, ni hindi ko nga alam yung theme nung seminar basta sumama lang ako kasi bored ako sa bahay. Nakatulala lang ako sa kanya kasi naman ang ganda niya at ang smarte niyang magsalita. Love at first sight ba?

Lalo na nung nagsmile siya, tuluyan na akong natangay ng magic spell ni Sabrina Isabel de Leon. Pinagtanong ko siya sa mga kaklase ko buti na lang kilala nila siya. Kaso ang problema daw….ayaw niya sa mga gangster type….gusto niya yung mala-siya. Dun pa lang bagsak na ako eh. Pero si Ivan Perez, susuko na lang ng ganun? Hell no. Kaya nung nagcollege ginawa ko lahat para makapasok dito sa university na to. Nung una ayaw nila akong tanggapin kahit na pasado ako sa entrance exam dahil sa records ko sa school, pero sabi nga nila pag may tiyaga may nilaga.

Ang lakas ng bulung-bulungan nun sa school na hindi nag-enroll si Saab kasi daw inofferan siya ng scholarship sa USA. Sobrang nalungkot ako nun. Tangina lang talaga. Nasayang lahat ng effort ko. Nawalan ako ng ganang mag-aral. Halos 1 week na yung pasukan pero di pa ako pumapasok. Tangina lang eh. Yung babaeng hinabol ko dito, wala naman pala eh.

Just Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon