Chapter 23

2.1K 19 3
                                    

Chapter 23

 

 

Zet: Hindi ako clown.

Pag-iiba niya ng topic.

Ako: Pwede pasapak din?

Zet: Gago. Hindi naman ako third party sa inyo ah.

Nakatayo na ako sa tulong nila Jake. Ayos din tong mga to ah, ako pa talaga yung tutulungan.

Kuya Hiro: Zet, puntahan mo na si Saab.

Ulit ni Kuya Hiro. Inakbayan na siya ni Kuya Paul tas bumulong kaya ayun, binigyan niya na lang ako ng final look tsaka umalis. Sumunod naman agad yung mga kaibigan niya baka daw kasi awayin si Saab o kahit sino pang makita niya.

Kuya Paul: Aalis ka?

Kuya Hiro: Bakit?

Ako: Si Saab lang naman kasi buhay ko dito eh, ngayong wala na siya ano pang saysay ng pagstay ko dito? Tsaka para na rin sa pamilya ko to, ang dami ko ng utang sa kanila eh.

Kuya Paul: Goodluck.

Kuya Hiro: Bahala ka.

Nagback to normal na ulit yung shop pero nandun pa rin ako. Ayoko kasing lumabas baka makita ko pa sina Saab. Pinapanuod ko lang yung mga iba na maglaro nung biglang nagkacommotion na naman. Oo, si Zet pumasok na naman sa loob kasunod pa yung tatlo at pinipigilan siya. Tumayo siya sa harap ko.

Zet: Kailan ka aalis?

Ako: Three days from now.

Tas umalis na siya. Nagtaka nga yung mga tao sa inasal ni Zet. Iniwan na lang kasi ako dun. Tsk. Abnormal din eh.

---------

Oras na lang ang binibilang ko bago ako umalis. Sa mga huling araw ko ay nagpakasaya na ako, well not genuinely, kasi si Saab lang ang makakapagbigay sa akin nun. I had the fun with girls, liquor, and everything. In three days, I tried to forget Saab pero DAMN! I can’t. Lasing man ako, tulog, naliligo, nakatulala, kumakain, nanunuod, naglalaro siya pa rin laman ng puso’t isip ko. Tangina.

Tsk. 1 pm pa lang, mamaya pang 9 pm flight ko meaning 6 pm pa pwede magcheck-in. Tsss. Ang tagal pa pero naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos nun, nakita ko yung cell phone ko sa may side table may mga text at tawag pero di ko binuksan, iniscan ko lang yung mga picture ni Saab at ako. Madami kasi siyang picture sa akin stolen at hindi. Napapangiti na lang ako. Bakit ba kasi ang tanga ko?!

Nilipat ko yung mga pictures ni Saab sa isang flash disk. Kahit pa iiwan ko lahat ng gamit ko sa Pilipinas, gusto ko kasi lahat bago pagdating ko sa London. Walang bakas ni Saab, kaso di pwede yun. Andito pa kasi yung puso at isip ko eh, siya lang naman yung laman nun eh. Pwede bang iwan ko din? Tutal patay na rin naman eh. Bibili na lang ako ng bago.

Just Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon