"KAPAG dumapo iyang kamao mo sa mukha ng transferee na iyan Montoya, I swear you'll be knocking the principal's office the second time today." Banta ni Maggie sa lalaking kinukwelyuhan ang isang baguhang estudyante.Nasa ere ang nakakuyom na kamao nito at aakmang magpapakawala ng isang suntok.
The guy coldly glanced at her. Kulang na lang ay bumulagta siya sa talim ng tingin nito. Pero wala siyang naramdamang kahit kaunting kaba. She knew his kind. Mga bully ng school. Not just bully but rich kids acting up against the system. And as the student body president, she, Margarita Madriaga, is not going to allow it.
Tulad ng inaaway nitong estudyante, bago rin lang ito sa campus nila. Galing Maynila pero limang beses nang na-kick out sa mga naunang pinasukan kaya heto at sa probinsya ang bagsak.
At hindi man lang nangingiming dito pa sa Maryknoll High School of Mapayapa maghahasik ng gulo!
There have been incidents like this before. At lahat ng mga iyon ay pinaplantsa niya sa abot ng kanyang makakaya. Tulad na lamang ngayon. Kaya naman hindi na bago sa kanya ang harapin ang isang bully na tulad ni Jason James Montoya.
"I said, let him go." Calmly, she rephrased her words. Naalala niyang hindi maaaring salubungin ang mainit na ulo ng isa pang mainit na ulo. Isa pa ay wala siyang balak na maibaling sa kanya ang kamao ng estudyante. Although she seriously doubtshim to hit her. Lahat kasi ng mga nakakabangga ng bully na ito ay puro mga lalaki. Pero ayaw din naman niyang siya ang kauna-unahan na babaeng makakatikim ng galit nito.
"Please..." She tried to sound begging. Ayaw sana niyang makiusap dito but she had to. Walang masama kung susubukan niya sa diplomasyang paraan.
Nakita niya itong bahagyang natawa at napailing. Ibinaba nito ang kamao habang ang isang kamay ay kinukwelyuhan pa rin ang transferee. "Kahit kailan Madriaga, napakapakialamera mo talaga."
Nakarinig siya ng mga humagikgik sa paligid. She sneered, pero pinalampas na lang ang komento ng lalaki. She doesn't really care how he sees her. Ang mahalaga sa kanya ay pakawalan na nito ang kanina pa nanginginig sa takot na transferee.
She returned her gaze at him and maintained a strong eye contact. "Ayokong umabot pa ang gulong ito sa principal, Montoya. Kaya sana tapusin na natin ito dito."
Alam niyang magdadalawang isip na ito dahil kanina lang ay ipinatawag ito ng principal dahil sa pagiging tardy nito. Wala kasing araw na hindi ito nali-late. She's sure that he can't afford to meet the principal again today.
"Let. Him. Go."
Nagbawi ng tingin si Montoya at binalingan ang transferee. "Sa susunod, matuto kang lumugar. Dahil hindi na kita ulit palalampasin." Sabay tulak nito sa estudyante na kung hindi nakahawak sa mesa ay siguradong bumagsak na.
Montoya glanced at her before moving out of the canteen. Alam niyang naiinis na ito sa kanya. Hindi lang kasi ngayon ang unang pagkakataong binara niya ito. Pero wala siyang choice. She has to do her job or else others might follow his example.
Nilapitan niya ang transferee at kinumusta. "Ano bang ginawa mo at nagalit si Montoya sa iyo?"
"Natapunan ko kasi ng juice ang sapatos niya. Yun nagalit agad."
"Sa susunod, huwag ka na lang lumapit doon. Mahirap nang mapagdiskitahan ka ulit."
Nang makaalis ang estudyante ay lumapit sa kanya ang kaklase at kaibigang si Nikkola. "Mukhang napapadalas ang banggaan ninyo ni JJ ah."
She sighed. "Sinabi mo pa. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa taon 'yon. Nagdadala palagi ng gulo."
"Pansin ko nga. But actually, you did pretty well everytime you goes head to head with him. Mukhang nakikinig naman siya sa'yo."
Her friend locked arms with her and pulled her towards the alleyleading to their classroom.
"Kung nakikinig siya, hindi na siya sana gumagawa pa ng gulo."
"Bilib na talaga ako sa'yo, Maggie. I would wonder kung hindi ka pa makakatanggap ng Service Award at the end of the school year dahil sa tiyaga at determinasyon mo bilang Student Body President."
"Sinasabi mo lang 'yan dahil kaibigan kita."
"Sinasabi ko 'yan dahil totoo. Ikaw na yata ang pinakamasipag na estudyante dito sa school natin. Bukod sa Student Body President, Debate Club President at CAT officer eh honor studentat scholar pa. Hands down ako sa iyo."
Napangiti siya. Mabuti na lang at nandoon ang mga kaibigan niya upang bigyan siya ng morale boost. Sa totoo lang ay medyo nahihirapan na siya sa iba't ibang roles niya pero alam niyang hindi siya dapat bumitiw. May mga umaasa sa kanya at ayaw niyang biguin ang mga ito.
"So how's the Foundation Day preparations? I heard ikaw din ang in-charge sa mga booth?" Tanong sa kanya ni Nikkola.
Malapit na kasi ang Foundation Day nila at ay may task na naman siya mula sa mga teachers.
"Wala nang problema. Halos plantsado na lahat."
"Grabe! Bilib na talaga ako sa'yo! Ano bang hindi mo kayang gawin Miss President?"
Kararating lang nila sa second floorng main building nangmahagip ng kanyang mga mata ang isang kumpol ng mga lalaking estudyante sa gawing students lounge.Katapat lamang ito ng kanilang building kaya agad niyang napansin ang mga iyon.
"Anong hindi ko kayang gawin?" She held her friend's chin and made her look at the students lounge. "Iyang grupong 'yan lalong lalo na ang pinaka-scalawag nilang miyembro ay hindi ko kayang plantsahin."
Nikkola laughed. "Hindi mo naman kailangan plantsahin 'yan. Ano pang silbi ng Principal natin kung hindi siya ang magdi-disiplina niyan."
Sumang-ayon na lamang siya sa kaibigan. At dahil sa sinabi nito ay napag-isip-isip niyang hindi naman niya responsibilidad nabantayan palagi ang ginagawa ni Montoya.
"Thanks for the tip, Nikk. I'll keep that in mind."
BINABASA MO ANG
SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)
Romance*SOON TO BE PUBLISHED under PRECIOUS HEARTS ROMANCES* Kapalit ang isang college scholarship ay napapayag si Maggie ng kanilang high school principal na gumawa ng hakbang upang mabago ang basagulerong estudyante ng Maryknoll High School of Mapayapa n...