Part 17

5K 161 0
                                    

"MABUTI at nakumbinsi nating hindi na magsasampa ng kaso ang lalaki." Naging madali ang pagkumbinsi ni Maggie sa lalaking nakaaway ni JJ. Agad itong pumayag sa isang settlement. Sa kanyang pagtatanong ay nalaman niyang si JJ ang unang nanuntok sa lalaki sa loob ng isang bar. Sa halagang limang libo ay pumayag ang lalaki na huwag nang magsampa pa ng kaso.

"Siya ang naghanap ng away. Pinagbigyan ko lang." JJ firmly said as they walked out of the police station.

"Violence is not the solution. Dapat alam mo 'yan."

"Oo nga pala. Pasensya ka na Madriaga...este Attorney Madriaga. Ikaw nga pala ang nagturo sa akin no'n."

"At hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagtatanda."

Pinilit niyang pakisamahan nang maayos si JJ. She's didn't say anything about the past and focused only about the present case. It was the only way that she could keep her composure.

Naglakad siya patungo sa kalsada upang maghanap ng taxi na pagsasakyan nito. It's already three in the morning at maski siya ay gustong-gusto nang matulog.

"Don't you have a car?" Tanong ni JJ sa kanya.

"I do. But I can't drive you home. It's pretty late."

"Then can I sleep at your house?"

Nagulat siya sa sinabi nito pero hindi siya nagpahalata. She has to answer him in the most businesslike manner she could.

"No, you can't. That's beyond my duties as your legal advisor."

"Why? Would anything change if I sleep at your house? Para naman tayong hindi magkaibigan noon."

Magkaibigan? Is he mocking her? Or baka naman galit pa rin ito sa kanya kahit maraming taon na ang lumipas?

"You own a large company. Siguro naman may pera ka na pangbayad sa isang five-star hotel. And, no. We're not friends, JJ. The last minute I checked, we weren't friends."

As much as possible, ayaw na niyang ibalik ang nakaraan. It's really pointless.

"Why? Because friends don't kiss each other? It was a long time ago, Maggie. Don't tell me naaalala mo pa 'yon?"

Uminit ang kanyang pisngi dahil sa sinabi ni JJ. Why does it have to be mentioned again?

"Isn't this coincidence overwhelming enough for us, Mr. Montoya? Pwede naman sigurong hindi na natin ibalik pa ang mga walang kwentang bagay."

She has to make a stand. Hindi porke't kliyente nila ito ay pwede na siya nitong sundutin ng mga sensitibong storya ng buhay niya.

Tumango si JJ. "Naiintindihan ko. I'm sorry Attorney. I just thought it's something that we'd be laughing about. Huwag kang mag-alala. Hindi na mauulit iyon."

Isang taxi ang biglang huminto sa harap nila at agad nitong binuksan ang pinto noon. Pero bago pa ito makapasok ay lumingon muli ito sa kanya.

"I guess, this won't be the last time well be seeing each other, Attorney Madriaga." Ngumiti ito sa kanya at saka sumaludo.

Nakaalis na ang sinakyan ni JJ pero tila napako na si Maggie sa kinatatayuan niya.

Did she just saw JJ salute to her?

Oh no! No. No. No. Why does he look so freaking handsome when he does that?

"Umayos ka, Margarita Madriaga! Hindi ka na bata!"

Ilang sandali ay nag-vibrate ang cellphone niya. Agad niyang hinugot ito mula sa bulsa ng kanyang leather jacket.

Napasinghap na lang siya nang mabasa ang bagong text message.

Maggie, report to my office at exacly 11AM. For now, just go home and sleep tight. – Your New Boss, JJ

"What the?!"

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon