Chapter 4

5.9K 158 0
                                    


Tatlumpong segundo na lang... Bilis!

Kanina pa siya nakatitig sa relos niya at nagdadasal na sana ay bumagal ang takbo ng oras. Nasa gate siya mismo ngayon at tanaw-tanaw ang pagbaba ni Montoya mula sa kotseng naghatid dito.

Less than thirty seconds na lang kasi ay mag-aalas siete y media na. Ibig sabihin ay kapag ang estudyanteng papasok sa paaralan nang lampas sa oras na iyon ay iko-consider nang late comer. Kabisadong-kabisado niya ang rule na ito dahil siya ang nagpapatupad noon. Every day since she was elected president of the student body ay siya ang nag-aabang sa mga estudyante sa gate at sumasala sa mga late comers. Ang lahat ng mga late naman ay ipinapasa niya sa prefect of discipline.

Fifteen seconds!

Naglalakad pa na tila nasa parke lang si Montoya at mukhang walang pakialam na mali-late na ito. Bakit nga naman ito magmamadali? Sanay na sanay na ito sa pagiging tardy.

Nagsitakbuhan na ang mga estudyante na halos kasabay lang nitong dumating papasok ng gate. Pero ito ay tila walang pakialam at pasipol-sipol pa habang may nakasaksak na earphone sa tenga.

"Late ulit si Montoya, Maggie. Hindi na nagbago." Hindi na siya nagulat nang lumapit ang guard sa kanya. Katulong kasi niya ito sa paghahatid ng mga late comers sa opisina ng prefect.

Ilang sandali pa bago ito nakarating sa gate at hinarap sila. Mag-isa na lang ito dahil lahat ng kasabay nito ay nagawa pang mahabol ang oras. Aabot naman sana ito kung hindi ito pa-chill chill kung maglakad.

Now, this guy is two minutes late.

"Pasensya na JJ. Late ka na naman. Magkikita na naman kayo ng prefect." Balita ng guard na hindi man lang mukhang ikinagulat ni Montoya.

Nagkibit balikat lang ito. "Ano pa nga ba?"

She breathed deeply to gain some strength. For the first time her role as a time keeper ay gagawa siya ng isang nakakahiyang desisyon.

"Manong guard. Hindi pa naman siya late."

"Anong hindi late? Eh alas siyete trenta y dos na."

"Basta hindi pa po siya late. Ako na lang po ang bahala sa kanya."

Kunot noong tumabi ang gwardia sa daraanan nila. Hinila niya si JJ papasok ng paaralan.

"Teka, anong ginagawa mo?" Reklamo ni JJ habang hila-hila niya ang kanang braso nito.

Sa loob ng campus ay nakataas na ang mga kanang kamay ng mga estudyante habang binibigkas ang panunumpa sa watawat ng bansa.

"Sige na, JJ. Dumeretso ka na sa pila ng klase mo. Walang lingon lingon ha. Diretso lang."

Pero hindi ito naglakad agad bagkus ay hinarap pa siya. "Hindi ako tumatanggi ng grasya, Madriaga. Pero hindi rin ibig sabihin tinatanaw ko ito na utang na loob."

She doesn't know why but she's kind of expecting him to say that. "Bahala ka. Basta pumila ka na doon."

He took a quick glance at her. "Hihintayin na lang natin matapos ang flag ceremony."

"Go. Those people don't care if you're late or not. Basta pumila ka na doon."

He slipped one hand into his pocket before walking towards the lines. Nakikita niya ang mata ng lahat na nakatingin kay JJ. As if they couldn't believe na hindi ito late.

Napabuntong hininga siya. "Break rules pa more, Maggie."

Alam naman niyang may nilabag siya pero hindi na muna niya iisipin iyon. She will take every opportunity just to soften Montoya.

Nang recess time na ay lumapit sa kanya ang mga kaibigang sina Raven at Nikkola.

"Oy Maggie! Nakita ko yun ha? Hinatid mo pa talaga si JJ kanina ng flag ceremony. Ano 'yon ha?" Usisa ni Raven. Naglalakad silang tatlo patungo sa canteen.

"Girls, part pa rin 'yon ng great plan ko. Alam niyo na 'yon."

Naikwento na niya sa mga ito ang tungkol sa offer sa kanya ng principal. At masaya siya dahil buo ang suporta ng mga ito.

"Kung ako rin naman ikaw, Maggie, gagawin ko rin lahat para sa scholarship." Pagsang-ayon ni Nikkola.

"Kaya salamat sa lahat ng support niyo sa akin. At saka kapag may alam kayo tungkol kay JJ or sa buong grupo nila, sabihin niyo agad sa akin." She's never more determined than now.

"Si Nikkola, maraming alam kay Top. Spill na friend." Raven grinned at their other friend.

"Heh! Ewan ko sa'yo Raven. Hindi pa rin ako maka-get over sa pang-aalila niya sa akin noong nakaraang linggo." Nikkola's face looked pinched. Matagal nang mortal na magkaaway sina Nikkola at ang isa pang kabarkada ni JJ na si Top kaya naiintindihan nya ang himutok nito.

"I know how you feel, Nikkola. Kaisa mo ako!" Maggie cheered for her friend.

"Ano 'yan? Alyansa laban sa mga sakit ng ulo sa school?" Natatawang tanong ni Raven.

"Yes! Ito na nga iyon, Raven. Kaya sumali ka na." Anyaya pa niya.

"Sige na, Raven. Sakay na!" Hirit naman ni Nikkola.

Raven nodded. "Syempre! Para sa inyo mga friends."

She can't help but smile with her friends' support for her. With them around, she knew she can make things happen. 

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon