"THIS is the draft of the contract. Just tell me if you want some changes." Iniabot niya kay JJ ang ginawa niyang papeles. Tungkol pa rin ang mga iyon sa ina-acquire na kumpanya nina JJ at Mikael.
JJ then skimmed over the papers. "Okay 'to. Pero mamaya ko na babasahin. I have something important to discuss with you."
"Tungkol saan?"
"Let's talk about it over lunch. Okay lang ba?"
"Sure." It was her own way of desensitizing from JJ. Kung lalayo siya rito ay titindi lang ang pagnanais niya na makasama ito. Pero kung palagi niya itong makikita, siguro naman ay masasanay na rin siya.
By then, it wouldn't hurt anymore.
"Sandali lang, kukunin ko muna ang mga gamit——"
"JJ! Thank God you're here." Rea rushed inside the office and hugged JJ.
Maski siya ay gulat na gulat din sa biglang pagdating ng babae.
"Rea! What's wrong?" Tanong ni JJ dito.
"Can you drive me to Tagaytay? Please?" Malambing na request nito.
Perfect Rea...Perfect timing too.
Hindi na niya pinakinggan pa ang usapan ng dalawa. Tumalikod na siya sa mga ito at lumabas ng pinto.
What can she do? Once Rea is there, he'll totally forget her anyway. Minabuti na lang niyang kunin ang gamit at bumaba na upang makauwi ng bahay.
She may seem fine as she greets everyone on her way out, but inside, she can still feel the pain.
Masasanay ka rin, Maggie.
She's already inside her car when her phone rang.
Nang tingnan niya ang screen ay nalaman niyang si JJ iyon. She didn't answer the call yet. Ayaw niya munang marinig ang excuse nito. Alam naman niyang hindi siya ang priority kaya tatanggapin na lang niya iyon.
Nakauwi na siya ng bahay ay patuloy pa rin ang cellphone sa pag-ring. Mabigat ang loob na sinagot niya ito.
"Hello, JJ."
"Where have you been? Ba't ka biglang nawala?"
"Umuwi muna ako. Mukhang di rin naman matutuloy ang lunch."
"What do you mean na hindi matutuloy? I didn't say anything like that."
Ano ba naman, JJ. Ikaw na nga ang binibigyan ng pabor.
"It's okay. I understand. You don't have to explain anything."
"Ano bang pinagsasabi mo? I told you we have something to discuss about over lunch."
"It can wait. Business matters can wait. Unahin mo muna si Rea."
"What do you mean unahin si Rea? Hindi kita maintidihan!"
Umiinit na naman ang mga mata niya.
Putcha naman. Bakit ba hindi pa rin mawala-wala ang pagiging emotera ko!
"Okay lang talaga, JJ. Don't mind me. Sige na. I have to go. See you tomorrow."
Agad na niyang pinatay ang cellphone at pinahid ang luha nakawala na sa mga mata niya. Hanggang kailan ba niya gagawin ang pagtitiis na ito?
Until you're free of him, Maggie. Pero kailan naman kaya iyon?
"Anak. Akala ko ba sa labas ka kakain?" Bati ng kanyang ina.
Tumalikod muna siya rito at agad pinahid ang mamasamasa pa niyang mga mata. "Ah, maaga kasi akong natapos sa opisina. Kaya unuwi na muna ako."
Her mother's eyes narrowed at her. "Okay ka lang, anak?"
"Ho? Oo naman po!" Nilakipan niya ng giliw ang boses dahil ayaw niyang mag-alala ang ina. Pero mukhang hindi talaga niya malalabanan ang mother's instinct. Hindi kasi siya nilubayan ng ina kahit nakapagsinungaling na siya.
"Sabihin mo ang totoo. Umiiyak ka ba? Huwag kang magsinungaling sa akin at kilalang-kilala kita, Maggie."
"Okay lang po ako, Ma. Ako pa? Ano bang hindi ko nakaya? Wag na po niyo ako alalahanin."
"Dahil ba kay JJ?"
Her eyes widened in surprise. Paano kaya nagka-ideya ang kanyang ina tungkol doon?
"H-Hindi po, Ma. Ba't niyo naman naisip 'yon?"
"Pasensya ka na anak. Hindi ko sinasadyang mabasa ko ang sulat mo noon kay JJ. Naglinis ako ng kwarto mo at nakita iyon. Alam ko na ang nararamdaman mo para sa kanya."
The heat behind her eyelids begins to start. Mukhang sa pagkakataong ito kasi ay wala na siyang lusot sa kanyang ina.
"Huwag po kayong mag-alala, Ma. Dahil lang siguro 'to sa biglaan naming pagkikita. Lilipas din ito Ma."
Her mother rushed to her and gave her a tight hug. Ang kanina pa niyang pinipigilang luha ay muling umagos sa mga pisngi niya.
"May kailangan kang malaman anak. Dapat noon ko pa sinabi ito sa iyo pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin."
Agad siyang napabitaw sa ina. Sa tagal nilang magkasama ay may mga sekreto pa pala itong tinatago sa kanya?
"Ano pong hindi ko alam, Ma?"
"Si JJ...Siya ang benefactor na nagbayad ng pangkolehiyo mo."
<><><><><><><><>
PLEASE READ!Para po mabasa ang next parts ng story, paki-FOLLOW po ako. Basahin din ang picture sa baba.
Maraming Salamat! Muchos Gracias! Daghang Salamat! Komowo! Arigatou! Thank you!
BINABASA MO ANG
SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)
Любовные романы*SOON TO BE PUBLISHED under PRECIOUS HEARTS ROMANCES* Kapalit ang isang college scholarship ay napapayag si Maggie ng kanilang high school principal na gumawa ng hakbang upang mabago ang basagulerong estudyante ng Maryknoll High School of Mapayapa n...