Chapter 12

5K 143 1
                                    


MAGHA-HALF day lang si Maggie sa klase dahil kailangan nilang ihatid ang mga gamit nila pabalik sa kabilang bayan. Tinanggap ng kanyang ina ang suhestiyon niyang bumalik na lamang sila sa dati nilang tahanan dahil wala naman talaga silang ipambabayad ng renta.

Di bale Ma. Kahit paano ay magka-college ako. Sandaling panahon na lang po ang titiisin ninyo.

She has straightened out her plan. Magtatrabaho siya habang nag-aaral. Iyon ang ipangtutulong niya sa ina. Alam niyang mahirap iyon but she's more than determined to help her family.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay nagulat siya sa nakita. Ang mga gamit na nasa karton na pinaghirapan niyang ibalot kagabi ay isa-isang nilalabas ng ina at ibinabalik sa dati nitong mga pwesto.

"Anong ginagawa niyo Ma?"

"Inaayos ang mga gamit. Bakit ba?"

"Lilipat na ho tayo ng bahay. Bakit niyo pa inaayos ang mga 'yan?"

"Ah oo nga pala. Hindi ko pa pala naibabalita sa'yo. Dumating dito si Aling Mimi. Pumayag siyang dito raw muna tayo. Akalain mo? Biglang bumait ang matanda."

Kumunot ang noo niya sa balita ng ina. Kahapon lang eh napakasungit ni Aling Mimi at pinalalayas na sila. Bakit ang bilis naman yatang magbago ang isip nito.

"Nagbayad ho ba kayo sa kanya, Ma?"

"Hindi pa. Pero ang sabi niya ay pwede raw tayong manatili dito hanggang sa kaya na nating magbayad."

"Po?!"

"Hindi ko nga alam kung paano nangyari. Pero okay na rin iyon anak. Hindi na muna natin kailangan bumalik doon sa dati nating bahay."

Napapikit siya at taimtim na nagpasalamat sa Diyos. Hindi pa rin pala sila pinababayaan nito. Kanina lang ay inakala niyang mawawala na ang scholarship sa kanya at ngayon naman ay hindi pala sila mapapalayas sa tinitirhan nila.

Lumapit siya sa ina at niyakap ito. "Di bale Ma. Ngayon lang 'to. Makakaahon din tayo. Pangako ko po iyan."

At gagawin ko po ang lahat mangyari lang iyon.



MULA sa malayo ay tanaw ni Maggie ang mga lalaking estudyante na bumibili mula sa booth nina Nikkola at Raven. Mukhang nakakarami na ng benta ang mga ito. Tulad din ng iba pang mga booth sa school grounds.

Napangiti siya. Mukhang naging matagumpay siya sa kanyang task.

Nilibot niya ang mata sa buong school campus. Nabalot ang buong lugar ng saya at musika. And this joyous ambience of the foundation day just adds up to the excitement she felt inside. Ngayong araw na ito ipapahayag kung sino ang pinili ng board upang makakuha ng scholarship.

"Excuse me, Miss. Saan ko pwede makita si Raven Punzalan?"

She gazed at the man who asked her. Nakatayo ito sa gilid niya at nakatanaw rin sa buong campus.

Her eyes narrowed as her mind kept scanning the face of the guy in her memory.

Ah! "Pierre?"

The guy looked at her wih squished eyebrow. Pero sandali lang iyon. Kaagad sumilay ang ngiti nito. "Oh! JJ's girl! Hindi ba?"

Her heart skipped a beat. "I...I'm not JJ's girl."

"Ah, sorry. Iyon kasi ang huling pagkakatanda ko sa inyo."

"Siguro kailangan mo nang baguhin ang ideyang iyon." She knew she can't be JJ's girl.

"Bakit naman? Espesyal ka para kay JJ."

Her hand flew to her chest as she felt her heart jerked. Paano ba nito nasasabi ang ganoon kadali ang mga salitang iyon?

But then the memory of his face when he looked at her that night outside their house came back to her.

Tama kaya siya sa duda niya? Could it be that JJ likes her?

"Ano bang pinagsasabi mo? JJ and I are just friends. Yun lang."

Tumango ito. "Ah siguro nga. Pero iba rin si JJ ano? I heard nag-cutting class siya para lang makaabot sa championship namin sa Dota. At ayon din sa narinig ko, ginawa niya iyon para sa pera."

"Pera?"

"Yeah. Sampung libo din ang premyo. Ang nasagap kong balita ay para daw iyon sa'yo."

"Sa akin?!"

Pierre nodded.

Agad siyang kinutuban. Hindi kaya...?

"Teka, Maggie! Saan pwede makita si Raven?"

Narinig niya ang sigaw ni Pierre pero wala na siyang pakialam. Kailangan niyang makita si JJ. Kailangan nitong magpaliwanag!

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon