10:45AM na.
Kalahating oras nang balisang-balisa si Maggie sa loob ng kanyang kotse. Nakapark siya sa basement parking ng building na pagmamay-ari ng Vittorio Wine and Spirits Company.
Ayon kay Attorney Nuñez ay totoo ang sinabi ni JJ na siya na ang legal advisor ng kumpanya ng huli. Tinangka niyang makiusap kung maaaring iba na lang ang ilagay sa posisyon niya pero hindi ito pumayag. Siya raw mismo ang pinili ni JJ at siyempre iyon ang masusunod.
Ano bang gusto ni JJ?
Hindi kaya siya pinili dahil kakilala na siya nito? Kaya naman mayroon itong tiwala sa kanya?
Tiwala? Didn't she just use him when they were still in highschool? Nakalimutan na kaya nito ang ginawa niya?
Or could it be that he's just up for revenge? Tila napaka-immature naman ng ideyang paghihiganti kung ganoon man.
She shook her head. Kung anu-ano na ang naiisip niya tungkol sa pagpili ni JJ sa kanya bilang legal advisor. Nag-ooverthink na yata siya.
Just go with the flow, Maggie. Just cross the bridge when you get there.
Sinipat niya ang relo limang minuto na lang at mag-aalas onse na. Oras na para sa schedule na pagpunta niya sa opisina ni JJ. Wala na siyang magagawa kung hindi ang lumabas ng kotse at harapin ito.
Nang makapasok sa elevator ay agad niyang napansin ang kanyang repleksyon sa stainless steel wall doon. She was wearing a single button black blazer paired with straight-leg pants. At dahil wala siyang masyadong alam sa paghi-hairstyle ay ipinusod na lamang niya ang lampas balikat niyang buhok. Sapat na siguro iyon para ipakita kay JJ na isa na siyang professional.
Eh bakit ba gusto mong ipangalandakang nag-level up ka na?
Though it may seem that way, the truth is that she just wanted him to see that she has achieved her dream. At hindi niya kailangan ang 'scholarship' na iyon upang umangat siya sa buhay.
She was still prepping when suddenly the elevator stopped. A deep-red-haired woman came in and stood beside her. Napatigil siya sa pag-aayos at sinipat ang babae. The woman was wearing a checkered pencil skirt and elegant black shirt. Pagkatapos ay pinaresan pa ito ng black six inch high heels.
Habang pinagmamasdan ang babae ay isang salita lang ang naisip niya.
Classy.
Napakaganda kasi nito at seksi pa. Hindi tuloy niya mapigilang ikumpara ang sarili sa babae. Lalung-lalo na't magkatabi ang repleksyon nila sa stainless door ng elevator.
Huminto ang elevator at sa 20th floor at doon lumabas ang babae. And when she's back on her own ay bumalik na naman ang mga agam-agam niya tungkol sa nalalapit na nilang muling pagkikita ni JJ.
Nang marating niya ang 26th floor ay agad siyang sinalubong ng isang babaeng nagpakilalang sekretarya ni JJ. She followed her lead and reached JJ's office.
Pagpasok nila sa opisina ay isang nakatalikod na JJ ang naabutan niya. May kausap ito sa cellphone at tila napakaseryoso.
Habang naghihintay sa may pintuan ay hindi niya mapigilang hangaan ang matikas na tindig ng dating kaibigan. He definitely grew into a man after all these years. His back was so broad, so broad that she suddenly wants to scale it with her own hands.
Umayos ka Maggie! Isa kang abogado at hindi nagsusukat ng kung anu-ano.
Pero hindi lang pala ang likod nito ang magiging problema niya. When he faced her, she momentarily forgot everything else. Nakatitig lang siya sa gwapong mukha nito.
Last night, he was the ruggedly handsome man who was making trouble at the police station. Now he looked so formal, distinguished and... still oh so handsome.
Margarita Madriaga! Umayos ka!
Agad niyang pinagalitan ang sarili. Walang puwang sa mga oras na iyon ang ma-disctract dahil sa pisikal na anyo ni JJ. Matagal na niyang alam na gwapo ito. Hindi na dapat magulat pa.
You're here to just be the company's legal advisor! Nothing else.
Naputol na lamang ang pag-iisip niya nang marinig na magsalita ang sekretarya ni JJ.
"Sir, our new legal advisor is here. Attorney Ma——"
"No need to introduce her, Sally. She's a good friend of mine."
Nakita niya ang bahagyang pagkagulat sa mukha ng sekretarya. Pero sandali lamang iyon dahil agad na itong nagpaalam sa kanila.
"Please take a seat, Maggie." Pormal na anyaya sa kanya ni JJ. He showed her the seat on the couch across the room. Pagkatapos ay may kinuha itong folders sa mesa nito at ibinigay sa kanya.
Binasa niya ang laman noon at agad niyang nalaman ang pakay nito sa kanya. He was trying to acquire another wine company and he needs her expertise to settle the legalities regarding the acquisition.
"Well, I will start working on the due diligence process right away. I'll just meet your accountants as well as theirs. Is this the first time you're acquiring a company?"
"In the Philippines, yes."
"I see. Don't worry. This is just pretty easy."
JJ chuckled as he looked at her.
"What's so funny?" Her eyes narrowed at him.
"Nothing."
"Did I say something wrong?"
"I said 'nothing'. Masyado ka kasing seryoso. Hindi ako sanay."
Her lips pressed together as she tried to control herself. Siyempre trabaho ang pinag-uusapan. It should be something serious.
"Well, masanay ka na Mr. Montoya. We're talking about millions worth of assets here. Siyempre seryoso iyon."
"Alam ko. It's just you look so different from before."
Siyempre iba na siya. She's a career woman now. Hindi na siya ang kawawang Maggie na nakilala nito noon.
"I'll take that as a compliment. Thank you."
He nodded and then smiled widely.
Arghh...Bakit ba siya kinakabahan tuwing ngumingiti ito? Is it his eyes? His beautiful smile? Or...
"JJ! Help me!" Isang babae ang biglang bumulaga sa pintuan ng opisina ni JJ. And that woman dashed to JJ's arms rightaway.
Napasinghap siya sa gulat. Who is this woman?!
BINABASA MO ANG
SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)
Romance*SOON TO BE PUBLISHED under PRECIOUS HEARTS ROMANCES* Kapalit ang isang college scholarship ay napapayag si Maggie ng kanilang high school principal na gumawa ng hakbang upang mabago ang basagulerong estudyante ng Maryknoll High School of Mapayapa n...