Chapter 7

5.2K 153 0
                                    


"SIGE suntok pa!" She encouraged him. Hawak hawak niya ang likurang bahagi ng punching bag habang hinahayaang sumutok dito si JJ.

Sa loob ng isang boxing gym niya naisip dalhin ito upang tulungang i-release ang lahat ng stress at galit na nararamdaman nito. Kapag frustrated at galit siya ay ganito rin ang ginagawa niya. Turo ito ng kanyang ama bago ito nalayo sa pamilya nila.

Awhile ago, there were hesitations onJJ's face. Mukhang takot itong sumuntok nang malakas dahil baka hindi niya kayanin at masaktan siya. But she told him na mas mahihina ang suntok niya kaysa sa mga nakasama niya sa boxing gym na ito.

"Are you sure hindi ka boksingera?" Nagtatakang tanong ni JJ nang makapag-break na sila. "Ang lakas mo ah!"

"My father used to be a boxer. Kaya alam ko kung paano ang mga bagay bagay sa pagpa-practice niya." She handed him a bottle of water na kinuha niya mula sa ref ng gym. "Kaya alam ko rin kung gaano ka-effective pampawala ng inis ang punching bag. Alam mo bang napapadalas ako dito mula noong nag-transfer ka sa school?"

Nakita niya ay pag-asim ng mukha ni JJ. "I was that annoying to you, huh?"

"Noon 'yon. Pero lately mukhang bumabait ka na sa akin. Isa pa, alam ko na rin ang reason kung bakit ka nagkakaganyan."

"What reasons? Wala naman akong sinabi sa iyo."

"Nang marinig ko ang away niyo ng tatay mo, naintindihan na kita." She realized that awhile ago as she was eavesdropping. She suddenly felt sorry for him because of his situation.

Napailing si JJ. Tila hindi ito naniniwala sa kanya.

"Totoo. I understand you."

"Paano mo naman maiintindihan ang isang tulad ko? You still have your mother. At sa tingin ko, mabuti naman ang tatay mo. And you seem to be a good student. Hindi mo maiintindihan ang isang tulad ko."

"We all have secrets." Napabuntunghininga siya. Kani pa kasi nagdedebate ang loob niya kung sasabihin niya sa rito ang tungkol sa tatay niya.

He looked at her in the eyes. "And you're willing to share yours with me?"

"Fair lang naman siguro kung i-share ko ang sa akin. Para patas tayo di ba?"

"It makes sense. So what's your secret?"

She drank from the bottled water and looked away. "Ang tatay ko..."

JJ looked at her intently as she paused for awhile. Nag-ipon siya ng lakas bago nagpatuloy. "Four years na siyang nakakulong ngayon."

Lumamlam ang mga mata nito. "I'm...sorry to hear that."

"Ganyan talaga ang buhay. May mga matitinding bagyong dumarating. Alam ko alam mo 'yon."

"I do. So anong nangyari?"

"Naging security guard siya sa isang jewelry shop nang magretiro sa pagboboksing. Tapos isang araw inaresto nalang siyafor robbery with homicide. Ang sabi niya he was framed up. Pero hindi naniwala ang may-ari. Pinadampot talaga niya si Papa at pinakulong.I never believed all the accusation against him dahil mabait siyang tao at ama. At dahil wala kaming pera, hindi namin maapela ang kaso."

Her tears are threatening to fall but she sucked it all. "Kahit matagal na iyon ay hindi ko pa rin matanggap na ang kawalan ng pera ang rason kaya hindi namin siya mailabas doon.And you know what's worse? Sirang-sira na ang pangalan namin sa lugar kung saan kami dati nakatira. Sinusugod kami ng pamilya ng pinatay daw ni Papa. So we moved here where no one knows us."

"Just like me. I have to move because no one accepts me."

Napatango siya sa similarity nila. Because of attitude problems JJ has been kicked out of many schools.

"Lahat ng naipon ni Papa pinambayad danyos kaya walang natira sa amin. Kailangan magtrabaho nang todo ni Mama para mapag-aral kaming tatlong magkakapatid.That's why I need a scholarship——" Natigilan siya nang napansin niyang sumobra na yata ang kwento niya. Gusto niya tuloy batukan ang sarili. "I mean... I want to be a lawyer someday. Para mailabas ko ang tatay ko sa kulungan. Para maging masaya muli ang pamilya namin. Lalo na si Mama."

Simula noong nakulong ang kaniyang ama ay hindi na ito ngumingiti palagi. Maibabalik lang ang mga ngiting iyon kapag nakita na nitong malaya kanyang ama.

Her parents loved each other so much despite of the tragedy that happened on their family. She still could see that loving look of his father to her mother when they visit him. Pero hindi iyon sapat. Ang kalayaan lang ng ama ang tanging tuluyang makakapagpasaya sa ina.

"That's my dream. Ikaw, what's your dream?" Kambiyo niya.

"Ako?"

"Hindi. Iyon." Sabay turo niya sa ceiling fan ng gym.

Tumawa si JJ sa gasgas na joke niya. "Dream. Hmm. I don't know. Thanks for giving me something to think about."

"Seryoso ka? Wala kang pangarap?"

"I did before. Pero bigla na lang nawalan ako ng gana."

"I'm sure you will dream again."

Sumilay ang isang ngiti sa labi ni JJ. It was the first time she saw him smile a genuine one. Nakaramdam agad siya ng tuwa nang makita iyon.

"And you will achieve yours." Sabi nito.

She smiled. Kung alam mo lang.

Tumayo na lang siya at nag-stretching nang kaunti saka naghamon. "So one more round?"

"Baka pagod na ang mga braso mo. Huwag na. I feel a lot better. Thanks."

"Ikaw yata ang napagod eh. Mas malakas pa pala talaga ako sa'yo."

"Talaga lang ha? Ikaw may gusto nito."

"Game!"

childKx

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon