Part 1

4.5K 87 4
                                    

Third Person's POV

Nang makasakay na ng barko sina Martela, Renz, At Allyssa ay tuluyan na silang nakaalis sa isla. Labis ang tuwa nila ng natahamik na ang kaluluwa ng nagambala nila pero mas bakas sa mukha nila ang lungkot dahil sa lahat ng pinagdaanan nila. Sa dinami dami nilang magkakaklase ay tatatlo na lamang sila.

"Sa tingin nyo ba tapos na talaga?" Tanong ni Allyssa

"Sa tingin ko tahimik na ang kaluluwa ni Kylie" sagot ni Martela

Nang makabalik na sila ay pinagtinginan sila ng ibang tao dahil sa itsura nila. Maputik ang mga katawan nila at meron ding mga bakas ng dugo sa kanila. Di nila naisip na linisin pa ang sarili nila habang nasa barko sila.

Yung ibang tao ay walang pakielam sa kanila pero may iba rin namang lumapit sa kanila upang tulungan sila. Sinabi ni Martela na tulungan lamang silang maihatid sa bahay ay labis na ang pasasalamat nya. May mabait na taong naghatid sa kanila sa bahay ni Martela. Pero umalis rin agad ito. Nang makita sila ng daddy ni Martela sa ganoong itsura ay nagulat sya. Kaya pinaliwanag agad nila sa Daddy ni Martela ang buong nangyari.

Kinabukasan ay pumunta sila sa bahay ni Kylie. Nalaman nila kung san nakatira si Kylie dahil sa papeles na nakita nila sa bahay. Ang papeles na ito ay nung ininterview ng mommy ni Martela si Kylie. Nang makita nila ang magulang ni Kylie ay binalita nila ang nangyari kay Kylie.
Nagiiiyak at nagwawala ang mommy ni Kylie pati na rin ang lola nya.

Sumama sila nung bumalik sa isla upang maalis ang mga bangkay at para mabasbasan ang buong kapaligiran. Si Allyssa ay di na sumama dahil sya ay nasa ospital. Tinitignan ang kalagayan nya kung posible pa syang makalakad. Habang binabasbasan ang kapaligiran ay ramdam pa rin kaila Martela at Renz ang lungkot at ang takot na nadarama nila. Di nila mapigilang maiyak ng makita muli ang ibang mga bangkay. Lalo na ang pamilya ni Kylie nang makita ang bangkay nya. Pagkatapos ay umalis rin agad sila sa isla nung araw na yun.

Allyssa's POV

Ngayon ay nasa ospital ako kasama si mommy. Dahil tinitignan ng doctor kung may pagasa pa akong makalakad. Hindi na nagpaparamdam si Kylie pero sa tuwing pumipikit ako ay naaalala ko lahat ng pangyayari sa isla. Natatakot pa rin ako.

"Anak salamat naman at isa ka sa mga nakaligtas" sabi sakin ni mommy habang nakayakap sa akin.

"Ma, sa tingin mo makakalakad pa kaya ako?" Malungkot na tanong ko sa kanya

"Wag kang mawawalan ng pagasa anak" sagot nya sakin

"Hintayin lang natin ang sasabihin ng doctor" dagdag nya

Makalipas ng ilang minuto ay pumasok na yung doctor

"Doc ano pong balita?" Tanong ng mommy ko

Nakita ko na parang malungkot yung doctor.

"Ikinalulungkot ko pong sabihin na wala na po tayong magagawa para makalakad po sya"

Nang marinig ko ang sinabi ng doctor ay biglang tumulo ang luha ko.

"Pasensya na po" sabi ng doctor pagkatapos ay lumabas na muna sya ng kwarto

At si mommy naman ay agad akong kinomfort.

"Anak ok lang yan" pagpapakalma ni Mommy

Pagkatapos ay pinunasan ko ang luha ko.

"Ok lang ako mommy, nagbakasakali lang naman akong magagawan pa ng paraan eh. Pero ngayon sigurado na akong hindi na ko makakalakad." Sabi ko sa kanya

Martela's POV

Pagkabalik namin ay umuwi na rin si Renz. Galit na galit ang mommy ni Kylie, at gusto nyang malagot ang pumatay kay Kylie. Pero pinaliwanag na namin ang buong nangyari at sinabi rin namin na patay na ang pumatay kay Kylie. Masakit maisip na patay na si Kylie pero kailangan nalang nila ito tanggapin.

"Ako na po ang humihingi ng pasensya sa nagawa ng mommy ko. Wala po kaming kinalaman sa nagawa nya" sabi ko habang tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko

"Para nalang din po sa ikatatahimik ng kaluluwa nila at ng buhay nating lahat" dagdag ko

Tuloy tuloy parin ang paghagulgol ng mommy ni Kylie

"Alam ko pong masakit at mahirap tanggapin, pero ganun din naman po ang pinagdadaanan namin. Lalong lalo na po't namatay pa halos lahat ng mga kaklase ko." Sabi ko

"Pabayaan na natin, wala na tayong magagawa pa. Hayaan nalang natin ang Maykapal ang magbigay ng parusa sa kung sino man ang nagkasala" sabi ng lola ni Kylie sa anak nya

Pagkatapos ay niyakap nya ang anak nya. At lalong bumuhos ang pagiyak nya. Sinabi namin na pati kami ay isa isang pinatay ni Kylie. Nung una ay di sila naniwala pero sa huli ay natanggap naman na nila ang nangyari. Alam kong masaya at tahimik na si Kylie dahil nalaman na ng pamilya nya ang buong nangyari sa kanya.

Karating namin sa bahay ni Daddy ay malungkot sya. Pati ako ay nararamdaman ko ang lungkot sa bahay. Kakaiba ang pakiramdam kapag alam mong di na babalik ang isang tao dahil patay na sya.

"Daddy okay ka lang?" Tanong ko sa kanya

Pero tahimik lang sya. Nung sinabi ko sa kanya nung una ang buong pangyayari ay nagalit sya kay Mommy. Dahil na rin sa lalaki na pinapunta ni mommy sa isla. Pero sinabi ko sa kanya na patawarin nya na si Mommy. Tapos na yun at wala na si Mommy. Mas maganda kung makalimutan na ang mga maling nagawa ni mommy upang tuluyan ng matahimik ang kaluluwa nya.

"Hindi sana mangyayari ang lahat ng to kung hindi nagtaksil ang mommy mo" sabi ni Daddy

"Alam ko naman yun daddy, pero sana kalimutan mo na yun. Sana mapatawad mo na sya dahil ako nagawa ko na syang mapatawad" sabi ko kay Daddy

At muling tumahimik sa loob ng bahay.

Renz' POV

Pagkagaling sa isla ay umuwi na ko sa condo. Medyo nalulungkot pa rin ako dahil dama ko pa rin ang lahat ng nangyari. Tsaka naaawa ako sa pamilya ni Kylie. Kung may magagawa lamang ako para sa kanila ay gagawin ko ito. Pagkapunta ko sa condo ay napagpasyahan kong dun nalang ako titira sa mas nakababata kong kapatid. May mga damit naman na ako dun sa bahay kaya di na ko nagimpake ng mga damit. Mga importanteng gamit lang ang dinala ko. Magkasama talaga kami sa bahay ng kapatid kong yun. Pero pinagcondo ako ng magulang ko para mas malapit ako sa skul.

OFW ang magulang namin, kaya minsan lang namin sila makasama. Pero nitong mga nagdaang taon ay hindi na sila umuuwi. At yun din ang dahilan kung bakit maagang naging independent ang kapatid kong yun. Pero bawat buwan naman ay pinapadalhan kami ng pera ng magulang namin. Di ko na kayang matulog pa ng magisa dahil mas lalo akong nalulungkot. Kaya nang maayos ko na ang gamit na dadalhin ko ay umalis na agad ako sa condo at pumunta na sa bahay namin.

Habang nasa byahe ay di ko maiwasang hindi mapatingin sa paligid. Simula nung nangyari sa amin sa isla ay naging alerto ako. Kahit na alam kong tahimik na ang kaluluwa ni Kylie ay may takot pa rin sa dibdib ko. Palingon lingon ako dahil baka mamaya ay may mangyari na namang masama. Hanggang sa nakarating na ko sa bahay. Nagdoorbell ako dito. At nung may nagbukas na ng pinto ay nakita ko na ang kapatid ko na si Jane.

Spirit Of The Glass 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon