Part 28

494 16 0
                                    


Allyssa's POV

Magisa ako ngayon sa bahay, dahil wala si mommy. Nakahiga lang ako sa kama at kung ano ano ang pumapasok sa isip ko kahit wala naman talaga kong iniisip. Ilang araw na kong walang balita kaila Jane, dahil sinabi ko rin na ayoko na madamay.

"Ano na kayang nangyari sa kanila?"

"Kamusta na kaya sila?"

Mga gumugulong tanong sa isip ko. Pero kahit papano ay masaya parin ako dahil mukhang ligtas na talaga ako. Kaya lang ay di na ko makakalakad.

Sinubukan kong tumayo habang nakahawak sa kama. Pero nabigo ako. Natumba ako sa sahig. Kaya naman ay gumapang nalang ako papunta sa wheelchair ko. Nahirapan akong makaakyat sa wheelchair pero kahit papano ay nagawa ko naman ito. At pinagulong ko yung gulong para lumapit sa bintana. At sumilip muna sa labas.

"Sana ligtas sila Jane" dasal ko

"At sana matapos na nila ang kailangan nilang gawin" dagdag ko

Tapos ay may narinig akong kumalabog sa kabilang kwarto. Eh alam kong wala naman si mommy dyan. Kaya inisip ko nalang na sa kabilang bahay yung kumalabog at hindi dito sa bahay namin.

Pero kinilabutan ako nang marinig na may bumubulong sa bandang likod ko. Nanginginig na ko sa takot at hindi ako lumilingon.

"wag nyo po kong papabayaan, ilayo nyo po ko sa kapahamakan" nanginginig kong dasal.

At nagulat ako ng umandar yung wheelchair ko. Eh hindi ko naman ito pinapagulong. Dahan dahan akong lumingon at nakitang may nagtutulak nga sakin. Tumingala ako para makita kung sino ito. At laking gulat ko dahil nakakatakot ang itsura nya. Muli ay nagbalik ang takot ko sa katawan. Naisip kong muli ang nakakatraumang nangyari sa amin sa isla.

"Tulong!!! Tulungan nyo ko!" Mangiyak ngiyak kong sigaw

"Mommyyyy!!!" Patuloy kong pagiyak

Hanggang sa lumabas na ng kwarto yung inuupuan kong wheelchair. At papadaretsyo ito sa hagdanan.

"Wag! Ayoko pang mamatay!" Sigaw ko at hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pero tuloy tuloy parin yung wheelchair hanggang sa dumaretsyo pa ito sa hagdanan at malalaglag na ako.....

Nang bigla akong magising.
"Allyssa! "Allyssa anak!" Paggising sakin ni mommy

"Nananaginip ka na naman anak!" Dagdag nya

Panaginip lang pala yun. Pawis na pawis ako at nanginginig sa takot. Kaya napayakap agad ako ng mahigpit kay mommy.

Gabi gabi nalang kasi ay kung ano ano ang iniisip ko. Kaya ako nananaginip ng ganito. Tsaka hanggang ngayon kasi ay di ko parin makalimutan ang nangyari sa aming magkakaklase. Maaaring may trauma pa daw ako sa nangyari sabi nung doktor, at mayron daw akong PTSD (post traumatic stress disorder). Pero kahit na nananaginip ako ng ganito ay wala namang nangyayaring masama sa akin at hanggang ngayon ay buhay parin ako.

Claire's POV

Ilang araw na kaming di nakakaalis dito sa ospital. Di ako makapaniwalang tumagal ako ng ganun dito. Ayoko kasi ng nagiintay lang sa iisang lugar at walang ginagawa.

"Sure ka ba na nawawala na talaga yung phone mo?" Pagtataka ko

"Oo, wala dito sa bag ko. Wala rin sa bulsa ko. Feeling ko naiwan ko talaga yun sa bus" sagot nya

"Kailan kaya magigising yang si May? Antagal na natin dito" Pagtataka ni Alonds at kita sa kanya na medyo nababagot na sya

"Aba malay ko" sagot ko sa kanya

Spirit Of The Glass 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon