Part 37

395 11 0
                                    


Alfonso's POV

"CIEL!!!! CIELLL!! GUMISING KA!!" Patuloy na paghagulgol ni Juds habang inaalog alog si Ciel

Pati ako ay naluluha na rin, hindi dahil sa natatakot lang ako, kundi dahil sa nangyayari.

Kasalanan ko ba kung bakit namatay si Ciel?? Dapat bang ako nalang yung lumabas? Pero kung ako yung lumabas, baka ako yung nakahandusay ngayon sa sahig at wala nang buhay!

Pero ayoko pang mamatay! Natatakot ako!

"Mayrong kotse na nakaparada sa labas, pero hindi yun yung kotse na gamit nila Gwynel" sabi ni John

"Kung ganun, kaninong kotse yun?" Pagtataka ni Ate Allyssa

"Wala akong ideya" sagot ni John

Ibig sabihin ay yun yung nakita naming kotse sa labas. Pero kaninong kotse yun? At sya kaya yung gumawa nito kay Ciel? Takot na takot na tanong ko sa isip ko na alam ko namang di ko masasagot

"Juds... Juds wala na sya" sabi ni Col habang pilit na pinapakalma si Juds kasi nasa sahig parin sya at di bumibitaw kay Ciel

"Hindi!!! Hindiii!! Bakit ba nangyari to?!!! Bakit nyo hinayaang lumabas si CIEL ng MAGISA" galit na galit na sabi ni Juds at lahat sila ay napatingin sakin

Pero bakit kasalanan ko, parang kasalanan ko??

"Ba...bakit kayo ganyan makatingin sakin?" Utal kong tanong at lalong bumilis ang tibok ng puso ko

"Dahil kayo ang naiwan dito sa baba" sabi ni Kenneth

"Ano bang nangyari?" Pagtataka ni Raven

"May sasakyan na paparating, akala namin sina Gwynel na yun" sagot naman ni Ate Allyssa

"Yun nga yung kotse sa labas. Pero kanino kaya yun?" Pagtataka ni John

"E bakit nyo sya hinayaang lumabas magisa?? Alam nyong delikado magisa" pagsumbat sakin ni Jane

Hindi ako madalas makipagtalo pero ayoko ng nasa gantong posisyon. Lahat sila nakatingin sakin at yung iba ay sinisisi ako na parang kasalanan ko yung nangyari kay Ciel.

"Kasalanan ko ba kung ginusto nyang lumabas?" Tanong ko sa kanila

"Kung iniwan ko sya, edi naiwan magisa dito si Ate Allyssa" dagdag ko at sabay tingin kay Jane. Pero wala na syang nasabi pa.

"Pero alam nyo na ngang delikado tayo eh" sabi naman ni Kenneth sa akin

"Yun na nga eh! Alam nyong delikado tayong lahat. At ang hihilig nyo pa maghiwahiwalay! Kinailangan pang sabay sabay kayong umakyat sa taas!" Sumbat ko sa kanila

Dahil sa sinabi ko ay natahimik yung iba at nagtinginan lang

"Anong magagawa ko eh naiihi na ko?" Tanong ni Jane

"Naiwan naman kayong magkakasama dito sa baba diba, wala namang naiwan na magisa" sabi ni Kenneth

"O tapos ano?? Dahil ako ang naiwan dito sa baba, ako ang sisisihin nyo??" Pagbalik ko ng tanong sa kanya

Pero wala naman syang nasagot sa tanong ko

"GUYS..... SINA GWYNEL... kailangan na natin silang BALIKAN" sabi ni Col kaya medyo natigil yung pagtatalo namin.

"Juds tara na" sabi ni Col at pilit hinahatak patayo si Juds

Pero patuloy sya sa paghagulgol

"Pa..no.. si Cieeeel?" Patuloy na pagiyak nya

"Itatabi nalang muna natin sya sa gilid at tatakpan. Pero sa ngayon, kailangan na nating umalis" sabi ni Kenneth

Kahit na ayaw ni Juds na umalis ay wala syang nagawa, pinagtulungan nilang itabi sa gilid si Ciel at tinakpan yung katawan nya.

Spirit Of The Glass 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon