Part 23

729 25 1
                                    

Bob's POV

Medyo maaga pa ng ako ay magising. Dati ay madalas ako malate magising pero ngayon ay kailangan ko tong gawin para masiguradong ligtas na ang buhay namin. Ilang saglit lang ay nagkita kita na kaming apat ni Kenneth, Jane at Raven. Tapos ay dumaretsyo na agad kami sa prisinto. Saktong pagdating namin ay tinatanong na nila yung principal tungkol sa nakitang bangkay sa school.

"Ma'am, may kinalaman po ba kayo sa nakita nilang bangkay sa skul?" Tanong nung pulis

"Bangkay?! Anong bangkay?" Medyo gulat na tanong nya

"May natagpuan pong bangkay sa skul nyo pero hindi pa natutukoy kung sino sya" sagot nung pulis

"Wala kong alam sa sinasabi mong bangkay. Walang bangkay sa paaralan ko" sagot nung principal na medyo tumataas na ang boses

"Natagpuan po yung bangkay sa tagong lugar sa loob ng paaralan nyo" paliwanag nung pulis

"Maaari nyo po bang masagot kung bakit nakalock yung isang kwarto dun na parang tambakan nyo ng mga gamit?" Tanong nung pulis

Pero walang naisagot yung principal

"Tsaka yung kwarto na yun ay may pababa pa at bakit ito ay nakalock rin? Mapapaliwanag nyo po ba yun?" Dagdag nung pulis

Pero wala syang nakukuhang sagot sa principal

"Ma'am nagiimbestiga lang po kami, sana naman po ay sagutin nyo ang mga tanong namin" sabi nung pulis

"Pinasara ko yung kwarto na yun dahil tambakan lang yun ng mga gamit, pero ang huling nagsara nun ay yung dating guard na nakaassign sa school" sagot nung principal

"Asan na po yung guard na yun?" Tanong nung pulis

"Patay na po sya" sabi nung principal.

Pagkatapos ay marami pang tinanong sa kanya na kung ano ano. At nagulat kami dahil matapos ng maraming tanong sa kanya ay pinayagan syang umalis.

"Sir, bakit po pinayagan nyo syang umalis?" Tanong ni Kenneth

"Dahil wala pa tayong matibay na ebidensya na sya ang may kinalaman sa bangkay na nakita sa school nyo" sagot nung pulis

"Bakit Kenneth? Sa tingin mo ba sya ang pumatay sa bangkay na yun?" Tanong ni Raven

"Oo nga Kenneth?" Pagtataka rin ni Jane

"Sa tingin ko wala namang ibang gagawa nun kundi sya" sagot ni Kenneth

"Bakit mo naman nasabi yan?" Pagtataka ko

"Imposible naman yung sinasabi nya na yung guard yung huling naglock nun at wala syang alam na may bangkay sa kwarto na yun" sabi ni Kenneth

"Pero di naman siguro yun magagawa ng principal natin" sabi ni Raven

"Oo nga Kenneth, kaya wag mo muna syang paghinalaan!" Pagtatanggol ni Jane sa principal

"Oo alam ko wala pa tayong ebidensya, pero pano kung sya nga pala ang may kinalaman sa nangyari tapos ay hinahayaan lang syang makaalis" sabi ni Kenneth

"Patuloy parin naman po namin syang iimbestigahan at responsable parin po sya sa nangyari dahil sya ang principal ng school." Sabi nung pulis

"Eh san po ba tayo makakakuha ng sapat na ebidensya para mapatunayan kung sino man ang pumatay sa kanya?" Tanong ko sa pulis

"Wag po kayong mag-alala, dahil iniimbestigahan na ang bangkay at maaari tayong makakita ng mga fingerprints o kahit ano sa bangkay na maaaring makatulong sa kaso" sabi nya

Si Kenneth ay di sangayon na pinabayaan lang makaalis yung prinicipal, pero prang di naman nya magagawang pumatay ng tao. Napakabait ng principal namin kaya sangayon ako kaila Jane na wag munang paghinalaan hangga't wala pang matibay na ebidensya.

Spirit Of The Glass 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon