Part 16

1.1K 31 3
                                    

Jane's POV

Sunday na ng umaga, medyo tinanghali ako ng gising dahil sa kakaisip kagabi tungkol kay Gela at sa mga sunod sunod na namamatay. Maya maya pa ay biglang tumawag si Janine sa akin.

"Hello" pagsagot ko

"Hello Jane" sabi ni Janine

"Oh Janine, nandyan na ba kayo sa siswimmingan nyo?" pagtanong ko

Alam kong nagsiswimming sila ngayon, dahil inaya nila ko kagabi para magenjoy na muna dahil patapos na ang school year namin, pero di ako sumama.

"Oo, we are here na. Kaya lang we're scared na." sabi nya

"Bakit naman?" Pagtataka ko

"Cause si Gela na pinaghihinalaan nyo, she's dead na!"

Nagulat ako ng marinig ito kay Janine. Hindi to totoo. Dahil kung hindi si Gela ang killer, sino??!!

"Seryoso ka ba?" Tanong ko

"Oo, I'm serious. Kasama nya sila Claire kagabi before she died." Sagot nya

"Nasaan na sila ngayon?" Pagaalala ko

"Nasa police station sila Claire right now, they're reporting kung ano nangyari." sagot nya

"Pero ano nga ba talaga ang nangyari?" Pagtataka ko

"Sabi nila, they saw a ghost sa car at bigla nalang tong umandar while Gela was still in the car, then tumama ito sa post at nagliyab." Paliwanag nya

"Ghost? sigurado ka ba?" Naguguluhan kong tanong

"That's what they said. Pero ghost?? Tsk. Di naman real ang ghost. Naniniwala ka ba sa ghost?" Tanong nya

"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa multo. Pero diba takot ka sa multo?" Tanong ko

"Yeah, im scared, pero honestly wala pa naman talaga kong nakikitang ghost" sagot nya

"Sige tatawagan ko sila Claire para malaman ang nangyari" sabi ko

"Hindi na nila sinasagot yung phones nila eh. For sure tomorrow na natin malalaman ang mga talagang nangyari if they're lying." paliwanang nya

At maya maya pa ay binaba na namin yung tawag. Hindi talaga ko makapaniwala na hindi si Gela ang killer. Pero kung hindi sya, talaga bang may multo?

At kung may nagmumulto nga, ibig sabihin sya yung natawag namin sa spirit of the glass? At ibig sabihin nito ay hindi si Kuya Renz ang natawag namin?

Di ko na rin alam kung ano pang iisipin ko. Pero sana ay wala nang mamatay pa sa amin.

Justin's POV

Sa mga niyaya namin magswimming ay lima lang kaming sumama. Ako, si Nica, Nique, Angelo at si Janine. Tapos ay nabalitaan pa namin kaila Claire ang nangyari kay Gela, kaya may nabubuong kaba sa aming dibdib.

"Itutuloy pa ba natin to?" Tanong ko

"Oo, andito na tayo eh" sagot ni Angelo

"Di talaga ko makapaniwalang pati si Gela eh patay na rin" sabi ni Nica

"Guys, do you believe in ghosts?" Tanong ni Janine

"Dapat ba tayong maniwala sa sinabi nila Claire? Na may multo nga?" Tanong ko

"Hindi ko na din alam" sagot ni Angelo

"Hindi naman nito ibig sabihin na nanganganib din tayo diba?" Pagaalala ni Nique

"Hindi naman siguro" sagot ni Angelo

"Basta let's not think about it muna, we are here para magenjoy" sabi ni Janine

Spirit Of The Glass 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon