Part 47

294 6 0
                                    


Eto na yung updateeeeee. Sorry kung natagalan guys.... wala lang talagang free time. Ginagawa ko na rin yung next part para may maupdate pa ulit ako :)

Col's POV

Nakakatakot tignan si Ate Allyssa. Talagang wala syang kalaban laban sa demonyong nakasapi sa kanya. Di ako makapaniwalang makakakita ako sa totoong buhay ng sinasapian na nagawa pang paikutin yung ulo.

Nakakakilabot pala talaga ito makita. Kung sa mga palabas eh nakakatakot na, mas nakakatakot sa totoo. Hanggang sa bigla nalang may tumakbo samin palabas.

"Juds!!" Sigaw ko

Pero di sya tumigil

"Sandaleeeee" sigaw ko sa kanya at sinundan sya palabas ng kwarto. Pero di lang pala sya sa labas ng kwarto pupunta. Kundi tumakbo sya palabas ng bahay.

"Juds hindi ka ligtas magisaaaa" sigaw ko at lumabas na rin ng bahay

At paglabas ko ay tumigil na sya sa pagtatakbo. At talagang takot na takot sya

"Juds bakit ka tumakbo??"

"Mas hindi tayo ligtas sa loob!!" Sagot nya

"Nakita mo ba yung ginawa nya sa loob?!!!" Takot na takot nyang tanong

"Oo juds, pero di ka pwedeng bigla biglang humihiwalay o umaalis magisa" sagot ko

Hanggang sa napasigaw ako dahil naramdaman kong may naglalakad sa likod

"Ahhhhhhhhhh"

At napalingon agad ako, pero si Colai lang pala ito.

"Bakit ka sumisigaw??" Pagtataka nya

"Hindi ko rin alam, dahil siguro sa sitwasyon natin?? Talagang nadadala lang ako sa nangyayari...." paliwanag ko

"Ano nang nangyayari sa loob??" Pagtataka ni Juds

"Hindi ko alam, sinundan ko lang din kayo palabas" sagot ni Colai

"Bumalik na tayong lahat sa loob" pagaya ko sa kanila

"Pero mas ligtas tayo dito....." pagkontra ni Juds

"So ano? Dito ka nalang?? Iiwan mo nalang yung nga kaibigan natin sa loob??" Kompronta ko sa kanya pero wala na syang naisagot.

Kaya kahit na ayaw nya eh pumasok na ko. Narinig ko namang sumunod si Colai at ganun rin si Juds.

At pagkapasok ay nakita namin si May sa labas ng cr na sumisigaw

"Raveeeen!!"

"Janeeeee!!"

"Raven!!! Anong nangyayare?!!" Pagtataranta ni May

Kaya tumakbo na agad kami papunta sa kanya

"May, bakit???" Pagaalala ni Colai

"Si..... si... Raven tsaka si Jane nasa loob. Ayaw bumukas ng pintuan!" Pagtataranta ni May

"Sipain natin" suggest ni Colai

"Sabay sabay" pagsang ayon ko

"1"

"2"

"3"

At sinipa namin ng malakas yung pintuan, pero di ito bumukas. Di ito nasira. Matibay yung pintuan.

"Ano nang gagawin natin??" Tanong ni Juds

"Susi!! Nasan yung susi ng banyo?!" Biglang naisip na paraan ni Colai

"Na... nasa kwarto...." pagaalangang sagot ni Juds

"Kunin mo bilis" utos ko sa kanya

"Pe...pero..."

Spirit Of The Glass 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon