Part 12

1K 37 8
                                    

Colai's POV

Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Ate nung nagspirit of the glass kami nun. Sinabi nya pa na pwedeng manganib ang buhay naming lahat. May kinalaman nga kaya yun sa pagkamatay nung guard at ni Ma'am.

Gabing gabi na ng biglang tumawag si Nica. Bakit kaya tumatawag sya ng gantong oras?
Pagkasagot ko nito ay parang nanginginig ang boses nya

"Co..colai" nanginginig nyang sabi

"Bakit Nica?" Pagtataka ko

"Nandito kami sa ospital ngayon" sabi niya

"Bakit? Anong nangyari" pagaalala ko

At narinig pa ko ni Martela kaya napatingin sya sa akin. Pero umiwas rin naman agad sya ng tingin. Parehas pa kasi kaming nasa baba at di pa natutulog

"Si.. si Raistlin.. wala na sya" sabi ni Nica

"Anong ibig mong sabihing wala na sya?" Tanong ko na medyo kinakabahan na

"Patay na sya" sagot nya

Kaya nagulat ako sa sinabi nya.

"Anong nangyari??" Tanong ko

"Co..colai sorry, ibababa ko na tong tawag. Makibalita ka nalang sa mga kaklase natin bukas" sabi nya

"Sandali!" Sabi ko pero nawala na yung tawag.

Bakit sunod sunod may namamatay. Parang hindi tama. At pagtingin ko kay ate Martela ay nakatingin na pala sya sakin.

"Anong nangyari?" Tanong nya

"Patay na daw yung kaklase namin Ate" sagot ko na parang di pa rin makapaniwala

At nakita ko si Ate na parang natakot rin

"Ayan na nga ba sinasabi ko eh! Dapat hindi kayo nagspirit of the glass!" Galit na sabi nya

"Ate ano ba pinagsasasabi mo? Wala namang kinalaman yun eh, tsaka di naman kasali si Raistlin nun" pagkontra ko sa kanya

"Kahit na ba hindi sya kasali. Walang pinipili ang multo. Lahat kayo nanganganib" sabi nya

Medyo natatakot na ko sa mga sinasabi ni Ate pero di ko parin sya pinaniniwalaan.

"Kaya nga aalamin ko bukas Ate kung ano talaga ang nangyari" sabi ko

"Mas mabuti kung wag ka nalang pumasok" sabi nya

"Bakit ba Ate?" Tanong ko

"Dahil nanganganib nga ang buhay mo at ang buhay nila" sagot nya

"Pwede ba ate, tigilan mo yan. Tinatakot mo ko" sagot ko sa kanya

"Nagspirit of the glass kami dati ng mga kaklase ko, at ngayon patay na sila" paliwanag nya

Kaya naman nagulat ako ng sabihin nya yun.

"Maniwala ka sakin" sabi nya

"Oo na ate naniniwala na ko. Pero itong nangyayari sa amin. Panigurado coincidence lang ito" sabi ko at tuluyan nang umakyat sa kwarto ko. Ayoko nang marinig pa ang sasabihin ni Ate dahil mas lalo lang akong matatakot sa mga sasabihin nya. Pinilit ko nalang matulog para di ko na maisip ang mga nangyayari.

Adriane's POV

Andito na kami ngayon sa skul. Nabalitaan namin ang nangyari kay Raistlin. Di ko masyadong kaclose si Raistlin pero malungkot sa pakiramdam pag may kaklase kang nawalan ng buhay. Ito siguro ang dahilan kung bakit absent sina Nica, Aud at Kenneth. Pero si Gela ay pumasok parin

"Gela, ayus ka na ba?" Narinig kong tanong ni Alonds

At lahat kami ay tahimik lang at nakatingin kay Gela

"Oo naman, ayus na ko" sagot nya

"Ano ba talagang nangyari?" Pagtataka ni Marc

"Kasi nagcr si Rasitlin nun sandali, tas ang tagal nya sa loob, nung pagpasok namin, nakita nalang namin sya sa bathtub na wala nang buhay" paliwanag ni Gela

"Pero bakit ganun? Alangan namang lunurin nya ang sarili nya?" Naguguluhan na tanong ni Daniel

"Oo nga eh, parang it doesn't make sense" pagsangayon ni Janine

"Pano sya mamamatay dun sa bathtub ng magisa?" Pagtataka ni Claire

"Maliban nalang kung may pumatay sa kanya" sagot ni Juds at lahat kami ay napatingin sa kanya

"Kung ganun, sino naman ang gagawa nun sa kanya?" Tanong ni John

"Alam mo yan ka na namn Juds eh, kung ano ano na naman naiisip mo"  may pagkainis na sabi ni May

"Iniisip ko lang naman kasi ang mga posibleng dahilan ng pagkamatay nya" paliwanag ni Juds

"Eh ikaw? Ni wala ka ngang pakielam eh!" Dagdag ni Juds

Di ako makapaniwalang sumasagot na talaga si Juds kay May. Dati rati ay hinahayaan nya lang si May. At nakita ko si May na parang inis na inis na kay Juds at gusto na talagang makipagaway.

"Pwede ba? Wag na kayong magtalo. Pinagaagawan nyo na naman ba ako?" singit ni Gwynel at nakangiti pa

"Tse. Dyan ka nalang sa May na yan" sagot ni Juds

"Pwede ba Gwynel, hindi ito ang tamang panahon para makipagbiruan" pagtigil ni Charlene

Pati ako ay di ko alam kung anong iisipin sa kung paano namatay si Raistlin. Sadyang aksidente nga lang ba? O may pumatay sa kanya?

Colai's POV

Parang may kakaiba kay Gela. Di ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Parang di man lang sya malungkot na namatay na si Raistlin, o sadyang ayaw nya lang pakita na naaapektuhan sya.

"Bakit ka nakatingin kay Gela?" Tanong ni Jane at napansin kong nakatulala pala ko kay Gela kanina

"Uh.. wala" sagot ko

"Napapansin mo rin ba?" Tanong nya

"Napapansin ang alin?" Pagtataka ko

"Kasi kami napapansin namin" dagdag ni Raven

"Ang alin ba?" Tanong ko

"Naghihinala kami na pano kung si Gela pala ang pumatay kay Raistlin" paliwanag ni Jane

Pero mahina lang ang boses naming tatlo para walang ibang makarinig sa amin

"Bakit nyo naman nasabi yan?" Pagtataka ko

"Dahil ang sabi ni Nica, si Gela daw yung nasa labas ng banyo, nung namatay si Raistlin" paliwanag ni Raven

"At hindi daw nakalock yung pinto" dagdag ni Jane

"Tsaka nung time na namatay yung guard, si Gela din ang unang nakakita sa kanya" paghihinala ni Raven

Ayokong magisip ng masama kay Gela pero pati ako ay yun ang naiisip sa kanya, hanggang sa pagtingin ko kay Gela ay nakatingin pala sya sa amin. Kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Nakakahalata yata si Gela na pinaguusapan natin sya" bulong ko

"Hayaan mo sya" sabi ni Jane

Hanggang sa biglang tumawag si Ate Martela. Kaya naman lumabas muna ko ng room saka ito sinagot.

"Hello" sabi ko

"O ano na balita?" Tanong ni Ate

"Tingin ko Ate, mali ka sa sinasabi mong may kinalaman ang pagspirit of the glass" sabi ko

"Pano ka naman nakasisiguro?" Tanong nya

"Dahil may pinaghihinalaan kami Ate, sa kung sino ang maaaring pumapatay" paliwanag ko

"Sino naman?" Tanong nya

"Basta ate, papaliwanag ko nalang sayo mamaya." Sagot ko

"O sige susunduin kita mamaya" sabi nya

Tapos ay binaba ko na yung tawag. At pagtalikod ko ay nagulat ako dahil andun na pala si Gela at nakatingin sa akin.

Spirit Of The Glass 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon