1

45.2K 1K 144
                                    

Chapter 1.

New Jersey

BUSY ako sa pag-aayos ng mga papeles. Nakakainis naman! Si Papa, bakit kailangan niyang ipagawa sa akin ang mga ito? Anak niya ako kaya dapat hindi niya ako pinagta-trabaho.

"Valerie, are you done with those papers? May iuutos pa ako sa iyo."

Nakakaubos ng pasensya si Papa. Mabait naman siya. I love my family and they love me. Dalawa kaming magkapatid. Mas nakakabata sa akin si Von ng dalawang taon. He's a nurse at nagta-trabaho siya sa ospital of course! Alangan namang sa gasoline station.

Mula nang maka-graduate ako ng college ay lumipad na kami dito sa New Jersey. Dito na kami tumira mula noon. Isa pa, may company na nabili ang Papa ko dito kaya ayun, dito na talaga kami tumigil. Wala naman kaming naiwan sa Pilipinas kaya ayos lang.

"Papa, pagod na ako." Reklamo ko. I graduated Business Management kaya heto ako, nagpapaka-business-minded sa company namin.

I'm Valerie dela Cruz. I'm a filipina. Sadyang dito nalang ako nakatigil ngayon kaya nga magaling pa din akong mag-tagalog. At syempre, sa bahay ay mas gusto naming mag-usap ng tagalog.

Single ako hindi dahil walang nanliligaw sa akin kung hindi dahil hindi ko pa nakikita ang lalaking magpapatibok ng puso ko. At ipinangako ko noon na sa oras na matagpuan ko na siya, mamahalin ko siya ng sobra sobra.

"Valerie, hindi tama na nagrereklamo ka ng ganyan. I'm training you para in case na makapagpatayo tayo ng affiliate ng company natin sa Pilipinas, ay ikaw ang magma-manage noon."

"Seriously, Papa? Talagang papauwiin niyo ako ng Pilipinas? Tinataboy niyo ako? Ayaw niyo na akong makasama?"

Ang drama ko sa part na iyon.

"Stop the drama, Valerie. Hindi ka na bata. You should know how to be responsible. Hindi magtatagal at mag-aasawa ka na at bubuo ng pamilya. Dapat ay marunong ka sa business."

Oh come on, lagi nilang sinasabi iyan. Na balang-araw ay mag-aasawa na ako. E, hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend. Asawa pa kaya?

"Oo na, Papa. Ano pa bang iuutos mo... po?" Sarcastic kong tanong. Si Mama, abala naman sa salon niya. Ako na nga lang yata ang walang gana sa mga business na 'yan.

Mas gusto ko iyong nag-a-arrange ako ng flowers and all. Mahilig kasi ako sa flowers. Kaso si Papa, ayaw ako patayuan ng flower shop. Gusto niya ay matuto ako dito sa company namin. Ako daw kasi ang panganay kaya ako ang aasahan niya. What a life.

"Pagkatapos mong i-organize ang mga papel na iyan, I want you to attend a meeting. Malawakang meeting iyon ng lahat ng Filipino owners ng mga company dito sa New Jersey. Ikaw ang magiging representative ko. I want you to listen at i-take notes ang mapag-uusapan doon."

Oh, great. Talagang pupunta pa ako saan? Para sa company na ito. "Saan ang meeting, Papa?"

"Laurel Incorporation. Conference room at 6:30 in the afternoon. Mamaya."

Mamaya agad? Hindi man lang ako pinag-ready? Grabe talaga si Papa. Makapag-utos sa akin e.

"Masyado ng hapon?"

"Pagkatapos ng meeting, may dinner kaya hapon." Sagot niya.

Mag-isa lang akong pupunta doon? Seryoso? Baka mamaya ay mangapa ako. Naka-attend na naman ako ng ibang meetings pero dito lang sa company namin. O kaya ay meeting sa clients sa mga restaurant. First time ko doon sa Laurel Incorporation. Hindi pa nga ako nakakapunta doon pero alam ko iyon dahil isa rin iyon sa malaking kompanya dito.

"Seryoso talaga, Papa? Hindi na magbabago ang isip mo?" Tanong ko pa.

"Valerie."

"Sabi ko nga, Papa e. Matatapos ko na ito at pupunta ako sa salon ni Mama. Para naman presentable ako mamaya. Right?"

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon