8

16K 482 376
                                    

Chapter 8.

NAKAKALOKA. Kasi naman parang naiilang sa akin si Phoenix ko. Siguro ay dahil hindi niya kinaya ang pagpapakita ko sa harap niya ng sexy side ko kagabi.

Well anyway. We're on our way to meet his friend. Sabi niya kasi friend niya. Feeling ko talaga na-fall na siya sa akin kasi ipapakilala na niya ako sa friend niya. Sasabihin niya siguro, 'brad, si lengleng nga pala, ang icing sa ibabaw ng talong ko' OMG! My mind!

Itinigil niya ang kotse niya sa isang malaking restaurant.

"Let's go." Aniya.

Bumaba kami ng kotse niya. Tinanaw ko ang kalakihan ng restaurant. It looks classy. Buti nalang maganda ang dress na isinuot ko today.

Sumunod ako kay Phoenix papasok sa loob ng restaurant. Ano kayang itsura ng friend niya? Akalain mong kahit napakasungit ni Phoenix ko, may friend pala siya.

Dire diretso sa Phoenix sa dulong bahagi ng restaurant at napansin kong may mga pinto rito.

Kumunot ang noo ko nang buksan ni Phoenix ang isang kwarto. Oh, so may private dine in pala dito. Kumbaga, may kwarto kwarto for private meetings and all.

Sumunod lang ako kay Phoenix. Hindi man lang kasi ako i-holding hands. Papayag naman ako e.

Nang makapasok ay nakita ko ang lalaking nakaupo sa dining chair sa loob.

Napakagwapo niya, and... ang bongga naman pala ng friend ni Phoenix. May pagkamukhang japanese something ang lalaki kaso parang si Phoenix. Serious face lang. Uso ba sa kanila iyon?

"Bata."

"Tanda."

Mas kumunot ang noo ko. What was that? An endearment? I don't think bata pa itong kaibigan ni Phoenix? At lalong hindi pa naman kulubot ang skin ni Phoenix ko para maging matanda!

"I'm with my girl." Sabi ni Phoenix. Jusko, kinilig ang lola niyo!

Ngumiti ako sa lalaking seryoso pa rin ang mukha.

"Hi! I'm Lengleng at patay na patay sa akin 'tong friend mong si Phoenix. Naikwento niya ba sa 'yo?"

Parang naubo naman si Phoenix. Syempre nilulubos ko na ang pagpapanggap.

"Good for you, tanda." Sabi ng lalaki.

Umupo kami ni Phoenix sa harap niya. Hindi pa ba siya magpapakilala?

"Babe, he's my frienemy. Prince Miko Abellano."

Ang bongga ng pangalan. Pangmayaman.

"Frienemy?" I asked.

May ganoon pala?

"We're friends now but I still considered him as my enemy, that's why." Paliwanag ni Phoenix.

Ang gwapo niya sa part na iyon.

"He's right. We're friends and enemies." Sabi naman ni Prince Miko.

"Bongga!" Iyon lang ang tangi kong nasabi.

"I already ordered foods. While waiting for it, let's get to the point." Panimula ni Prince Miko.

E ako, nakatungaga lang sa kanila kasi ewan ko ba. Keychain lang yata ako ni Phoenix kaya isinama niya ako rito.

"I want to propose to Hera."

Hera? Sino iyon?

"Then? Anong gusto mong gawin ko, bata? Pigilan ang proposal mo?"

Ano daw?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon