5

15.1K 475 127
                                    

Chapter 5.

"VALERIE!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sigaw na iyon ni Papa. Ay hindi ko kinaya, sumisigaw ang lolo niyo.

"Yes, Papa?"

"Anong naririnig ko na buntis ka daw? At ipinagsigawan mo pa sa Laurel Corporation building! At ang malala pa, isinigaw mo na ang ama ay si Mr. Laurel? Is that true?!"

Nangislap ang mga mata ko. I cannot! Updated si Papa! Kaloka. "Alin ba ang tinatanong mo, Papa na totoo? Oo totoong sumigaw ako, pero..."

"Pero?"

Uy, excited ang lolo niyo. Akala niya yata buntis talaga ako. "Pero hindi totoong buntis ako. Pero handa naman akong magpabuntis kay fafa Phoenix."

"What the hell, Valerie?! Iyan ba ang itinuro ko sa iyo?!"

Duh, nagmumura si Dionisio, kaloka talaga. Beastmode na iyan, I'm sure.

"Papa naman, you want yelo? So you could chill?"

"Valerie, seryoso ako! Ayusin mo ang sarili mo. I want you to look decent! Lalo na kapag nasa business meetings ka! Huwag mo ng uulitin iyon!"

I rolled my eyes. E ginagawa ko lang naman iyon para sa future ko e! Si Phoenix kaya ang future ko! Kaya kahit anong kabaliwan, kaya kong gawin para sa kaniya.

"I know, Papa. Chill ka na. Okay? Saka ka na ulit magalit kapag may ginawa ulit ako."

"Don't tell me may binabalak ka pang gawing kalokohan?!"

"Yes, of course!" Nag-peace-sign ako saka mabilis na nagwalk-out.

"VALERIE!"

Panira talaga si Papa sa pangarap ko. No one can stop me! I will achieve my dreams no matter what. Kahit pa harangin ako ng sandamakmak na tinidor!

Pumasok na ako ng kwarto ko. Kinuha ko agad ang iPad ko para i-check syempre ang wall ng man of my dreams.

Baka kasi mamaya, nagpopost na siya ng about sa akin e. Edi kilig si ako niyan.

I scrolled my newsfeed when I saw his status. Five minutes ago lang. So online siya! Ichachat ko siya mamaya.

Phoenix Laurel
Unti unti kong tatanggapin. You will be soon to be married. Kaya wala na akong laban pa.
Like • Comment • Share

Kumunot ang noo ko. Ito talaga iying lagi niyang dina-drama e. Habang tumatagal mas naku-curious ako kay ateng girl na sinaktan ang Phoenix ko! Hmp!

Ni-angry ko ang status niya saka nagcomment.

Lengleng dela Cruz Hindi pa ako married kaya laban lang! 😁

Nagmumukha akong stalker ni Phoenix pero tinamaan talaga ako e. Desidido talaga akong makamit siya! As in super!

Hindi niya pinansin ang comment ko kaya oras na para i-chat naman siya. Kailangan kong kiligin ngayon.

Me: Hi Phoenix ko

Seen

Agad agad, naka-seen! Suplado talaga 'tong lalaking to.

Me: Am I not not enough? Pangit ba ako?

Sinubukan kong gayahin iyong line ni Liza Soberano. Hehe.

Phoenix: Yes

Nanlaki ang mga mata ko. Sumagot siya pero bwisit, yes daw?! Pangit ako ganon?! Ang sama niya, pero mahal ko pa din siya. Kainis!

Me: Ang ganda ganda ko kaya lalo na nung ni-lip bite kita 😁

Phoenix: Wtf

He reacted! Uyyy, naalala siguro niya bigka tapos iniimagine niya na sana maulit. Well, why not. Kahit pa ilang beses ko siyang i-lipbite! Gusto pa niya, ngatngatin mo na labi niya. Enebeee!

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon