3

24.9K 758 216
                                    

Chapter 3.

ILANG araw ko ng ini-stalk si Phoenix at napansin ko na broken talaga siya. Puro pag-e-emote kasi iyong mga post niya e. Ilang beses na nga akong nagpapansin sa kaniya pero lagi naman akong seenzoned. Liker nga niya ako, e. Nagcocomment pa ako lagi sa bawat post niya pero wala, deadma talaga.

Kapag talaga broken, ang tigas ng puso.

Hay. Mula nang makilala ko si broken man, hindi na niya ako pinatulog ng maayos. Parang naiisip ko na mas masarap nang matulog kung katabi ko siya.

Huminga ako ng malalim saka tumitig sa screen ng laptop ko. Narito ako sa working space ko sa company. Kainis si Papa, hindi la ako bigyan ng sariling private office e. Kailangan ko muna daw magsimula sa ganito. E, kung anu ano na ngang ini-utos niya sa akin na gawin, na gawain ng CEO. Tapos dito niya lang ako ipupwesto sa working stations ng mga employee? Tatay ko ba talaga siya?

Hay naku, Dionisio Dela Cruz, bi-bingo ka na sa akin.

Sumimangot ako saka umayos ng pagkakaupo. Ayoko na ngang mag-isip ng mga nakaka-stress na bagay! Hmp, mabuti lang isipin ko nalang ang future boyfriend ko.

Kinapa ko ang labi ko. Pumikit ako. Payapa ang paligid.

"Phoenix, pa-kiss naman ulit oh." Bulong ko sa kawalan habang ini-imagine ang mukha niya.

Napamulat ako nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko. Punyeta, sino iyon?!

Tumingjn ako sa tabi ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. "Who the hell are you?! Bakit mo ako hinalikan? How dare you! Hindi ka naman si Phoenix Laurel!"

Naha-highblood ako. How dare him! Ninakawan niya ako ng halik!

"What? I never said that I'm Phoenix Laurel. I heard you asking for a kiss. Then I granted it. You should thank me."

Lalong nanlaki ang mga mata ko. Naintindihan niya ang pagta-tagalog ko. Mukha kasi siyang hindi Pilipino. Saka narito kami sa Las Vegas. Mas tril ko talagang managalog pero nakakaintindi talaga ang loko!

Tumayo ako at nameywang. "What did you say? Why do I need to thank you? Who are you, huh?!"

He smiled. At nakakabwisit ang ngiti niya. Lalong naningkit ang mga mata niya.

"'I'm Ryou." Pakilala niya. "I'm looking around your work place and yeah, that's when I heard you."

"Oh ano naman kung ikaw si Ryou? E, hindi naman kita kilala! Presidente ka ba? Ha?"

He chuckles. "I'm the son of the top businessman in Japan. I'm Ryou Tanaka."

"Oh, ano namam nga?!"

"I am your fiance."

Nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako. Anong sabi ng hapon na ito?!

"What did you---"

He's laughing. "You should have seen your face. Naniniwala ka pa din sa arranged marriage? Come on, I'm not your fiance. I had a meeting with your father about investing with the company that he's planning to built in the Philippines."

Ano? Ano? At marunong din pala siyang magsalita ng tagalog ha! Pero ano daw? He was kidding. He's not my fiance, right?

Hinila ko siya sa kwelyo niya para magkaharap ang mukha namin. Nanggigigil ako. Sarap pitikin ng mata nito.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo ha! Tatawa ka pa, ha! Saka ano naman kung top businessman ang tatay mo sa Japan? E hindi naman ako Japanese 'no! Hindi kami close ng Japan! Saka ikayayaman ko ba iyon? Mapapansin ba ako ng crush ko sa impormasyong iyon? Psh. Huwag mo nga akong kausapin!" Sigaw ko saka inirapan siya.

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon