Chapter 6.
MAAGA akong gumising dahil pinagluto ko ng lunch si Phoenix. Yeeee! Kinikilig ako kasi masisilayan ko na naman ang napakagwapong mukha ng fiance ko. Oo, fiance ko sya! At ako lang ang may alam no'n!
"Valerie, saan ka pupunta? Maraming aasikasuhin sa company!"
Dionisio, mas mahalaga 'tong lovelife ko. Support nalang muna tayo.
"Sige, Papa. Dadalhan ko lang ng lunch ang asawa ko."
"Sig---anong sabi mo?! Valerie, kailan ka pa nagka asawa?!"
Ngumiti ako ng malapad. "Hindi niya pa alam, Papa. Excited ka. Alis na ako."
Lumabas na ako ng bahay namin saka sumakay sa kotse---sa likod dahil may driver ako. Okay, I'll be on my way to Laurel Incorporation.
"Laurel Incorporation tayo, manong."
Ngiting ngiti ako kasi na-e-excite ako sa magiging reaction ni Phoenix e.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko saka ichineck kung online ang asawa ko pero agad akong sumimangot nang lumitaw ang pangalan ng epal na hapon.
"O, bakit?" Sagot ko sa tawag niya. "Mamalasin talaga ako sa 'yong singkit ka e."
"Hey, Val! Where are you? I'm in your company. Treat kita ng lunch?"
I rolled my eyes. "Ikaw na hapon ka, magtigil ka. Hindi kita type saka wala ka nang pag asa sa akin. Ayan, sinabi ko na para hindi ka na umasa." Sabi ko.
"Ano naman? Type naman kita at makukuha din kita."
"Ewan ko sa 'yo. Taas ng confidence mo."
Ibinaba ko na ang tawag. Itinigil ni manong ang kotse sa building ng Laurel Incorporation.
Bumaba ako at naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Shems! Eto na! Hindi ako sigurado kung kinain niya iyong una kong inabot sa kaniyang pagkain before pero malay mo naman! Sana may magic itong mga niluto ko. Nakaka fall 'to! Or dapat siguro maghanap na ako ng gumagawa ng gayuma!
Pumasok ako sa building. Pero hinarangan ako ng guard.
"Miss?"
"Mrs. Laurel." Sagot ko. "But it was a joke. I'm Valerie dela Cruz and I'm looking for Phoenix Laurel."
"Do you have an apointment?"
Hello! Ako ang future wife, kailangan pa ba ng appointment?
"No but I have something very important to give him." Sabi ko. Aba syempre! Pinagpaguran ko ang mga niluto ko!
"A moment, Miss dela Cruz."
Hay naku! Kapag ganitong excted na talaga ako!
"Miss dela Cruz, you can go straight to his office."
Namilog ang mga mata ko. Hala siya! Straight sa office? Kabog naman pala ng beauty ko! Wala akong appointment nyan ha! Oh my, malamang na-fall na siya agad sa akin!
Taas noo akong naglakad. Feel na feel ko kasi hello, diretso ako sa office ng future husband ko. Sabagay, practice ko na rin 'to kasi ganito ako sa future. Being Mrs. Laurel, enebe!
Sumakay ako ng elevator direct sa office niya.
Habang nasa elevator ay palakas ng palakas nag pagkabog ng dibdib ko kahit medyo flat ako.
At nang...
Ting!
Kaloka! Yung kaba ko bigla namang umepal! Bakit ako matatakot? Malakas kaya ang self confidence ko. Hanggang level 9999.
BINABASA MO ANG
Love Takes Time
RomanceEXO Chanyeol as Phoenix Laurel Afterschool Nana as Valeri "Lengleng" dela Cruz Book cover © @milkalattae