7

10.6K 452 156
                                    

Chapter 7.

HINDI ako makapaniwalang narito na ako sa Pilipinas. My gosh! Pero mas hindi kapani-paniwala na kasama ko ang boyfriend ko---future boyfriend I mean.

Sumakay kami sa taxi. Kinakabahan ako kasi titira ako sa condo unit ni Phoenix. Nakaka excite! Dapat mag-search na ako sa google.

How to be a great housewife.

Eeeee! Ang advance ko yata mag-isip pero doon din naman tutungo iyon e. Malakas ang pakiramdam ko. Ako talaga ang babaeng para sa kaniya.

"Uh, honey?"

"What the fuck?"

Hehe practice lang naman. "Joke lang. Ito naman. Huwag ka kasing kukunot ang noo. Smile!"

Inirapan niya lang ako. Masungit pa sa babae 'tong Phoenix na 'to sa totoo lang.

"Pero wala bang ibang tao sa condo mo? Ikaw lang saka ako ang titira doon?"

"Yeah. Why?"

Napalunok ako. Ang heartbeat ko bumibilis. Hmm, handa naman ako sa first night namin. Nagdala pa nga akong nighties e.

"Just asking." Sabi ko.

Pero deep inside, iyong kilig ko! Never in my entire dream na makakasama ko si Phoenix. Dito talaga magsisimula 'yan e. Alam kong unti unti na siyang nahuhulog sa akin. Sa ganda ko bang 'to?

Iyong ganda kong namana sa nanay ko. Siyempre hindi kay Dionisio.

Tumingin ako sa bintana ng kotse. Ang tagal din noong huki akong nakapunta dito sa Pilipinas. Ang dami nang nagbago.

"Phoenix..."

"Yes."

Ano palang height mo?"

Tumingin siya sa akin. "Why?"

Ngumiti ako ng pagkalapad lapag. "Kasi, nagtataka ako kung paano ka nagkasya sa puso ko. Yeeee! Kilig ka?"

Nawala ang ngiti ko dahil sa straigh face niya

I rolles my eyes. Napaka-epic ko sa part na iyon. "E, anong weight mo?"

"Stop it." Sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Para nagtatanong lang e!

"I love you."

"What the fuck?!"

Tumawa ako. Napakasungit niya. Mahilig mang-irap tapos ang hikig pa niya ako sagutin nang hindi man lang ako tinitingnan pero kapag ginaganito ko siya, napapatingin siya sa akin tapos may kasama pang mura. Heaven!

Maya maya pa ay nakarating kami sa building kung saan naroon ang condo ni Phoenix. Masosolo ko na talaga siya!

Magkikiss kaya kami?

Bumaba na kami ng taxi. Napakasweet talaga ng asawa---hindi pa pala. Napaka sweet niya dahil siya ang naghila ng maleta namin.

Gwapo, gentlemen, hot, marshmallow ang labi, saan pa ba ako?

Jusko, Dionisio subukan mong tutulan ang pagmamahalan namin, lalo pa kitang kakalbuhin!

Nakasunod lang ako kay Phoenix habang tumitingin tingin sa paligid. Pumasok kami sa building saka dumiretso sa elevator.

Sumakay kami ni Phoenix. Dalawa lang kaming sakay nito. Naiisip ko iyong scene sa fifty shades of grey. Sana bigla din akong halikan ni Phoenix tapos sasabihin niya, fuck the maleta! Ang hot! Huhubels.

Tumigil na ang elevator sa 9th floor saka bumukas iyon. Nauuna pa din sa akin si Phoenix dahil syempre, siya ang nakakaalam dito. Syempre pag aaralan ko palang ang pasikot sikot dito para kapag dito na kami nag-stay for good, you know, dapat alam ko na para hindi ako maligaw.

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon