Chapter 4
NAKANGISI ako habang papunta sa conference room dito sa Laurel Incorporation. Paano kasi, makikita ko na ulit ang future boyfriend ko.
Yayain ko kaya siyang mag-date mamaya? O kaya ay yayain ko siya sa kwarto ko? Enebe, ano ba 'tong naiisip ko.
Kumekerengkeng na naman ang anak mo, Dionisio.
Akala talaga ni Papa, super interested na ako sa business. Pero wala siyang kaalam-alam na dahil lang ito kay Phoenix Laurel.
"Hi, Val."
Kumunot ang noo ko saka tumingin sa lalaking umupo sa tabi ko. At ano namang ginagawa ng hapon na 'to dito, aber?!
"Why are you here? And pwede ba, huwag mo akong tawaging Val! Bwisit ka." Iritable kong sabi.
Buti nalang, ilan palang kaming narito dahil maaga pa para sa oras ng meeting.
He smiled. Lalong naningkit ang mata niyang masarap tusukin ng tinidor. "Your father told me to accompany you. Kapag okay na ang affiliate ng company niyo sa Pilipinas, I will be your partner. So, mas maganda kung masanay ka na sa presensya ko. And the fact that you'll be with me, damn, you should be thankful."
I rolled my eyes. Saan nakakuha ng kalakasan ng apog ang hapon na 'to?!
"Ah, so magiging partner kita. Ang malas ko naman. Kakausapin ko nga si Papa na ayokong may partner sa business na tulad mo! Tingnan mo, ang liit liit ng mata mo! Malas sa business 'yan!"
Namilog ang singkit niyang mata. "What the fuck. You're so cute." Tumawa pa siya. "Sino namang nagsabi sa 'yo na malas ang maliit ang mata sa business?"
"Ako. Ako ang nagsabi, bakit? May angal ka? Saka huwag mo nga akong kausapin. Feeling close ka talaga, e." Inirapan ko siya saka inalis ang tingin sa kaniya.
Umaasa ako na kasama si Phoenix sa meeting ngayon. Kung hindi, hahalughugin ko ang buong Laurel Incorporation para mahanap siya.
Tumatawa lang si Ryou na hapon sa tabi ko. Abnormal yata ang lalaking 'to. Akala yata nita natutuwa ako sa kaniya, letse siya.
"But you know, Val. I have this kind of dream..."
Napatingin ako kay Ryou. "Dream? Pakialam ko sa dreams mo."
"But my dream is to be your boyfriend." diretso niyang sabi.
Muntik na akong masamid dahil umiinom ako ng bottled water. "Bwisit ka, manahimik ka nga diyan! Dami mong alam. Ba't hindi ka maglayas?!" Inirapan ko ulit siya.
Tumawa lang ulit siya na akala mo nakakatuwa ang ginagawa niya. Mamaya, hahampasin ko na siya ng bote sa ulo e.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto at...
Nag-slow motion ang paningin ko. Phoenix Laurel entering the room with his business attire. He looked around and our eyes met... pero agad ding nawala. Hindi pala nag-meet ang eyes namin. Nadaanan lang pala.
Umupo siya sa bandang sulok since pa-rectangle ang mahabang table.
"You're drooling." Komento ni Ryou.
Hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang ako kay Phoenix na abala sa pagbabasa ng files sa harap niya. Gosh, nakaka-inlove lalo. Ang gwapo gwapo niya talaga.
"You looked crazy." Komento ulit ni Ryou.
And again, hindi ko siya pinansin. Ang mga mata ko ay parang na-magnet kay Phoenix Laurel. This is heaven---ang makita siya.
🎵I love you na, Phoenix Laurel! I love you na talaga!🎶
Kumunot ang noo ko sa narinig ko hanggang ma-realize ko na ringtone iyon ng cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Love Takes Time
RomanceEXO Chanyeol as Phoenix Laurel Afterschool Nana as Valeri "Lengleng" dela Cruz Book cover © @milkalattae