2

26.4K 839 318
                                    

Chapter 2.

Natapos na ang meeting dito sa Laurel Incorporation pero hanggang ngayon ay narito pa ako sa loob ng conference room. Nagpaiwan talaga ako dahil balak kong silipin sa kabilang conference room iyong si Phoenix Laurel na nag-e-emote.

Ang gwapo niya para mag-drama ng gano'n. Pero hindi curiousity ang nagtulak sa akin para gustuhin ulit siyang makita. Paki ko kung broken siya? Basta ang alam ko, crush ko na siya. Jusko, ang gwapo niya kaya talaga habang umiiyak at nagsisisigaw. Paano pa kaya kapag nakangiti siya 'di ba?

Tumayo na ako pagkatapos kong mag-retouch ng powder sa mukha ko. Baka sakaling ma-fall sa akin si Phoenix kapag nakita niya ako. Malay natin!

Lumabas na ako ng conference room 2 saka tumigil sa conference room 1. Lumunok muna ako dahil walang kasiguraduhan kung nasa loob pa si broken man. Dahan dahan kong binuksan ang pinto saka sumilip doon.

Nanlaki ang mga mata ko dahil naroon pa din siya. Nakahiga sa sahig habang.. Oh my! Duguan ang kamay niya! Mabilis akong pumasok sa loob at dinaluhan siya.

"Broken man, duguan ang kamay mo! Anong ginawa mo? Nagbasag ka na naman ba?" Tanong ko na para bang close kami.

Hindi niya ako pinansin. Nanatili siyang nakahiga habang may luha sa mga mata niya. Nakatitig lamang siya sa ceiling. Nagpapakamatay ba siya? Kasi kung oo, isasalba ko siya. Sayang! Sayang siya!

"Uy! Gamutin natin ang kamay mo!" Sigaw ko ulit. Dinukot ko sa bag ko ang panyo ko saka itinali iyon sa kamay niya. Grabe ang lalaking 'to, magpapakamatay e.

Hindi pa rin siya umimik. Patuloy sa pagtulo ang luha niya. Tulala siya na para bang wala na siya sa sarili niya. Halikan ko kaya? Baka iyon ang magpapabalik sa kaniya sa realidad, ano?

"Phoenix Laurel, maghunisdili ka! Uy, bumangon ka diyan!" Sigaw ko pa.

Hindi pa din siya gumagalaw. Ano ba 'yan. Hindi niya ako pinapansin!

"Phoenix!!" Ulit ko pero hindi pa rin siya namamansin.

Huminga ako ng malalim saka pumikit. Ibinaba ko ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan siya sa labi niya.

Sa isang iglap, pakiramdam ko ay nasa ulap ako. Ang lambot... ng ulap este ng labi niya. Iginalaw ko ang labi ko pero hindi pa din siya tumutugon. Parang tuod! Ano ba 'tong lalaki na ito? Wala man lang bang epekto ang halik ko sa kaniya?

Bago pa lumalim ang paghalik ko sa kaniya ay tumigil na ako saka ko...

"Fuck it! Fuck!"

...kinagat ang labi niya.

Ayun, e'di gising siya. Bumangon siya bigla habang ako ay nakatitig sa mukha niya. Nakaupo na siya ngayon sa sahig---masama ang tingin sa akin.

Patay.

"What the fuck did you do?!" Dumagundong sa buong kwarto ang boses niya.

I bit my lower lip. Dahan dahan akong ngumiti sa kaniya saka nag-peace-sign. "Ayaw mo kasi mamansin, e."

"Seriously?!"

"Nagdudugo kasi ang kamay mo. Sorry talaga! Sorry. Hindi ko intensyong halikan ka o kagatin ang labi mo pero masarap este iyon ang way para pansinin mo ako.

"Why do you care? I don't even know you. Stop acting like we're fucking close!"

Ang sakit sa tainga ng sigaw niya. Galit na galit talaga siya sa mundo, ano?

"Sorry talaga! Peace na tayo, ha. Saka tinalian ko na 'yang kamay mo para tumigil sa pagdudugo. Baka magka-infection pa 'yan."

"Damn it. Did you really just kissed me? Kinagat mo pa ang labi ko. What the fuck."

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon