Alaala natin ay muling nagbabalik.
Ngayong nagiisa ito'y muling bumabalik.
Pilit mang iwasan ito ay bigla nalang bumabalik.
Hindi ko alam kung bakit pero, lagi nalang bumabalik.Inaasam na makalimot ay di parin maalis-alis.
Dito sa isipan kong ubod ng kay kitid.
Di ko alam kung bakit biglang nagkaganito.
Nagpakatanga at Nagpakalugmok sa taong mahal ko.Alam kong wala nang pagasa na mabalik ang dating "tayo".
Ang "tayo" na kahit wala namang tayo.
Makinig man ako sa mga sabi-sabi at payo.
Hindi ko padin sila masunod kase gusto ko padin bumalik yung dating tayo.Hindi ko alam kung anong meron sa'yo.
Dahil ikaw lang ang nagpadama saakin ng ganito.
Ikaw ang liwanag sa mundong kay dilim.
Ikaw ang langit sa aking mga bituin.Pag kasama ka'y para nang nasa alapaap.
Pag nahahawakan ang iyong kamay ako'y ubod ng saya.
Pag nasasandalan ka'y nakakagaan ng looban.
Pag kasama ka'y ayaw ko nang kumalas pa.Sa dinami dami ng ating pinagsamahan.
Ang hirap tuloy kumalas sa kandado ng mga alaala.
Ang mga alaala na kahit kelan di ko maiwasang maalala.
Ang mga alaala na gusto ko pang muling bumalik at mabuhay pa.Siguro nga'y ako'y isang hangal na.
Sa pagmamahal sayo ng sobra na alam kong di mo masusuklian pa.
Dahil alam ko naman na lahat ng pagmamahal mo'y naibuhos na sakanya.
Naibuhos mo nang lahat kaya nama'y walang natira.Masyado mong sinara ang puso mo nang iwanan ka niya.
Hindi ka na niya mahal, kalimutan mo na siya!
Nandito lang naman ako para sa'yo, kailan mo ba madadama?
Nandito lang naman ako, nagiintay na mahalin mo rin ako.Naiinis na ako sa aking sarili.
Nang dahil sa'yo ay di ko na mabatid ang aking isip.
Pilit ko mang sabihing ako'y matagal nang bumitaw.
Pero ang puso ko'y naka-kandado parin sayo at sa ating mga alaala.Ako'y nakakandado sa'yo.
Gusto ko nang mahanap ang susi upang makalaya na ako.
Makalaya sa mga alaalang ayaw umalis sa utak ko.
Makalaya sa aking pagmamahal para sa'yo.Kaya ibalik niyo na ang susi ko.
Gusto ko nang bumalik sa dating ako.
Gusto ko nang maging malaya at makalimot.
Ngunit anong gagawin ko kung ikaw lamang ang tanging susi sa aking kandado?~ teryn gianna • october 12 2016
YOU ARE READING
Bottled Feelings
PoetryWARNING: Ang storyang ito ay naglalaman at nagtataglay ng mga tula at rants na hango sa mga matinding emosyon.