Manhid

18 1 0
                                    

Ako'y nagsusulat muli ng tula.
Tulang di na para sa kanya kundi para naman saakin at sa iba.
Tula para sa aking isipan na ubod ng kay kitid.
Tula para saaking pakiramdam na ubod ng manhid.

Tunay nga ba ang sinasabe nila?
Na ako ay isang manhid?
Di agad nakakaramdam.
Di agad bumabatid ang isip.

Kay tagal na nyang nanjan para saakin.
Simula't sapol may gusto na pala sya sakin.
Ngunit hindi ko man lang napapansin.
Kasi iba ang hanap ng aking paningin.

Kada kasama kita ang isip ko na sa kanya.
Pag kausap kita ang naalala ko lang ay siya.
Pag katabi kita ang iniisip ko sana siya nalang ikaw.
Puro ako siya, paano naman ikaw?

Nakulong ako sa mga alalaa naming dalawa.
Mga alaalang ayoko ng maalala.
Mga alaalang puno ng kasinungalingan.
Mga alaalang di ko malilimutan.

Masyado akong nagpadala sa mga alaala namin.
Di ko na napansin na mas madami pa pala tayong alaalang dapat alalahanin.
Apat na buwan lang ang amin.
Dalawang taon ang atin.

Sa apat na buwan na yon agad akong nahulog sa kanya.
Di namalayan na ako'y niloloko na pala.
Di namalayan na ako'y nagiging tanga na.
Di namalayan na nasasaktan ka na din pala.

Pag kasama ko siya ako'y ubod ng saya.
Di napansin na naisang tabi na pala kita.
Kagaya nung awas na hinatid niyo ako sa pauwi.
Magkatabi kami samantalang ikaw ay nasa isang tabi.

Na bes zoned ako nya.
Di ko namalayan na bes zoned din pala kita.
Mapaglaro talaga si kupido.
Tayo pang magkakaibigan ang pinaglaro.

Sana nga kaya nating kontrolin ang mga nararamdaman natin.
Para di tayo gaano nasasaktan.
Para di nalang siya ang minahal ko.
Para ikaw nalang sana ang minahal ko.

Kase sa dalawang taon nating magkasama.
Nakilala na kita ng lubusan.
Wala kang ginawa kundi magpasaya.
Kahit masakit na tawa pa din ng tawa.

Kaya pala kada inaasar mo ko sa kanya noon.
Tawa ka ng tawa, sabay talikod nasasaktan na pala.
Sabi nila sakin, "bakit hindi nalang siya?".
Hindi ko alam ang isasagot ko kase ako mismo ganun din ang tanong sa sarili ko.

Kung pwede nga lang ikaw nalang.
Kase lagi kang anjan para ibalik ang ngiti kong saglit na nawala.
Malungkot man o hindi andyan ka para sakin.
Andiyan ka lagi para tabihan ako sa tuwing ako'y nalulumbay.

Kapag kelangan ko ng kasama ikaw agad ang nandiyan.
Kapag gutom na ko ikaw ang nagbibigay.
Kapag ako'y magisa tinatabihan mo ko.
Kapag nakikinig ako ng kanta sinasabayan mo ko.

Naalala ko pa nung isang beses na malakas ang ulan.
Madilim na at magisa nanaman.
Wala nang naghahatid sakin dahil nakalimot na siya.
Sinabayan ng ulan ang pagpatak ng aking luha.

Bigla kang lumapit saakin.
At sinabing
"Tara ihahatid na kita."
"Madilim na delikado na."
"Naulan pa, Baka mabasa ka."

Sabay tayong naglakad pauwi samin.
Pinagtitinginan man ngunit walang pakielam.
Pinapayungan mo ko dahil sa lakas ng ulan..
Pinapatawa nanaman ako sa kwentong paulit ulit na napakinggan.

Sa kalagitnaan bigla kang nag tanong.
Anong nangyare sa inyo ni ano?
Bakit hindi na siya ang naghahatid sayo ngayon?
Nagkagusto ba siya sayo?

Hindi ako makasagot.
Ayoko magsinungaling.
"Hindi siya nagkagusto sakin, Magkaibigan lang kami."
Totoo ang aking sinabe, hindi nga siya nagkagusto sakin dahil ako ang may lihim na pagtingin.

Ang dami mo pang tinanong.
Na kinainis ko kasi bumalik ang alaala naming dalawa.
Hindi ko namalayan na habang nagtatanong ka.
May kirot ka na din palang nararamdaman sa loob looban.

Naiwan tayong tahimik.
Tila nadaanan ng anghel ang ating paligid.
Hanggang sa makadating sa bahay namin.
"Uuwi na ako, paalam. Salamat at Ingat ka."

Ako'y nagpasalamat at sinabeng magingat ka rin.
Ngumiti ka ng pilit sabay naglakad papalayo.
Ngumiti din ako ng pilit.
Sabay bulong sa sariling "Sana ikaw nalang ang minamahal ko."

Ako'y naiinis sa aking sarili.
Sana ikaw nalang ang minamahal ko.
Para di ako nasasaktan ngayon.
Sana ikaw nalang.

Kaso hindi mo naman mapipilit ang nararamdaman mo diba?
Hindi mo maiisiksik ang nararamdaman mo.
Gustuhin ko man pero di makaya.
Ang sinasambit lang ng puso "Hanggang kaibigan lang kita."

Hindi ko maintindihan ang nangyayare sa ngayon.
Pero alam kong may plano Siya para saakin at saatin.
Magtitiwala nalang ako.
At hayaang isulat niya ang kwento ko.

At alam ko na sinusulat Niyang iyon.
Nandun ka padin para sakin.
Nandun ka padin para pasayahin ako
At sana doon sa sinusulat Niya mahalin na din kita.

O kundiman ay mahanap mo din ang magmamahal sayo at mahanap ko din ang magmamahal saakin..

// teryngianna //

Bottled FeelingsWhere stories live. Discover now