Bakit ganon?
Bakit ganon ang nadarama sa tuwing nakakasama ka?
Hindi man ako magisa ay labis na nangungulila.
Ako man ang kasama ngunit kahit kelan man ay hindi ako ang naging mahal.Bakit ganon?
Ako man ang pinupunan mo ng mga halik.
Ako man ang kinukulong mo sa mga yakap.
Ako man ang pinapakalma mo sa iyong mga hawak.
Ay kahit kelan man hindi ko napatibok ang puso mo.Bakit ganon?
Sa tuwing naiisip kita ay naiiwan saaking alaala ang labis na pagsisisi.
Ang labis na pagkatanga para mahalin ka.
Ang labis na pagkahibang para ibigay sayo ang lahat.
Ang labis kong pagmamahal na kailan man hindi naging sapat para sa isang kupal na kagaya mo.Bakit ganon?
Kahit sinong dumating sa buhay ko pagkanagparamdam ka bumibigay na uli ako.
Balik tanga kumbaga.
Balik hibang kumbaga.
Gusto ko mang sabihing "ayaw na", ikaw padin ang babalikan kumbaga.Bakit ganon?
Bakit kailangang ikaw pa na walang dinulot sakin kundi pasakit?
Ni hindi ko nga alam ang totoo sa hindi.
Pero iisa lang ang maikaklaro ko ngayon.
Na kahit kelan man hindi ako ang minahal mo.Bakit ganon?
Ang sakit sakit padin.
Bumabalik ang hinagpis ng kahapon.
Kahit pilit ko na itong ibinaon.
Kahit pilit ko na tong limutin dahil nilipas na ng kahapon.Bakit ganon?
Lagi kong nahahanap ang sarili ko na umiiyak sa parehong dahilan.
Yung dahilan na ang tanga tanga ko sayo!
Yung dahilan na binigay ko lahat sayo!
Yung dahilan na minahal kita ng sobra sobra at hanggang ngayon ikaw padin.Bakit ganon?
Sa tuwing naalala ko ang hinagpis ng kahapon ay tila di mabatid ang isip at puso..
Sa tuwing naalala ko na iniintay kitang magdadalawang oras na hindi ko na kinakaya at tila sasabog na ang luha sa aking mga mata..
Sa tuwing babalik ka kung kailan okay na ko di na maalintala ang nadarama...Bakit ganon?
Napaka bulag mo.
Dahil simula palang andito na ko para sayo.
Kahit gano ka kagago tinanggap ko.
Kahit ako na yung ginagago tinatanggap ko.Bakit ganon?
Ang tanga ko diba?
Magiisang taon na sigurong ganto.
At hanggang ngayon ikaw paden ang laman ng mga tula ko.
Hibang, Isa na kong hibang.Bakit ganon?
Bakit kailangang dumating ka pa sa buhay ko?
Bakit kailangang ikaw pa ang mahalin ko?
Bakit kailangang magkaganito?Bakit ganon?
Kung di ka kaya dumating sa buhay ko, okay pa kaya ako?
Kung di ka dumating sa buhay ko, kamahal mahal padin kaya ako sa mata ng ibang tao?
Kung di ka dumating sa buhay ko may nararamdaman padin kaya ako ngayon?Bakit ganon?
Sawang sawa na ko mamanhid.
Sawang sawa na ko magsulat ng tulang ganito.
Sawang sawa na ko na hindi ka maalis alis sa isip ko.
Sawang sawa na kong mahalin ka ng di mo sinusuklian yung pagmamahal na binibigay ko.Sawa na ako.
Ayoko na.
Pero mahahanap ko nananaman ang sarili ko sa tabi mo at nagpapakatanga sayo.
Ang tanga ko. Bakit ganon?
YOU ARE READING
Bottled Feelings
PoetryWARNING: Ang storyang ito ay naglalaman at nagtataglay ng mga tula at rants na hango sa mga matinding emosyon.