Heto nanaman ako at nagsusulat muli ng tula.
Ang mga tulang sinisigaw ng aking nadarama.
Ang nga tula na pilit gumugulo sa isipan.
Ang mga tula na aking nagagawa ng dahil lamang sayo.Siguro nga'y ako'y isang hibang.
Hibang sa pagmamahal sa isang kagaya mong walang ginawa kundi mangloko.
Hibang sa pagbibigay ng lahat sa taong di naman karapatdapat.
Hibang na hibang sa pagmamahal sayo.Akala ko noon ako'y nakalimot na.
Akala ko ako'y nagising na sa katotohanan.
Ngunit mali ako, maling mali ng nararamdaman.
Kasi andito parin pala, Hindi mawala wala.Sabi ko sa sarili ko masaya na ko sa iba.
Akala ko totoo pero mali pala.
Nung bigla kang bumalik naisang tabi ang aking nararamdaman.
Ikaw parin pala
At walang iba.Galit ako sayo.
Sa panglolokong ginawa mo.
Sa pangagamit na ginawa mo.
Sa lahat ng ginawa mo.Pero kahit baliktadin mo man ang mundo.
Pag nanghingi ka ng patawad aking irog.
Wala akong magagawa kundi abg patawarin ka.
Pag dating sayo ang puso koy nagigibg dalisay.Sinasabi ko sa aking isipan,
Ayoko na! Ako'y nadala na!
Pero di ko kinakaya.
Dahil lumalabot nanaman ang puso ko at muling ikaw ang hahanapin neto.Ayoko na magpadala sa matatamis mong salita.
Ayoko na magpadala sa mga lambing mong walang katumbas.
Natatakot akong mawasak nanaman ang puso ko.
Mawasak ang puso ko na ikaw nanaman ang dahilan.Pasensya na aking magbabasa.
Masyado na namang mahaba itong tula.
Ngunit wala akong magagawa.
Dito ko lang mailalabas ang nadarama.Ang nadarama kong di maalintala.
Ang nadarama kong kumplikado pa sa kumplikado.
Ang nadarama kong kahit iwasan ay bumabalik.
Ang nadarama kong puro paghihinagpis at sawi.Sana mabatid na ng puso ko ang tunay kong nararamdaman.
Kase ayoko na.
Ayoko nang umiyak muli sa pareho nanamang dahilan.
YOU ARE READING
Bottled Feelings
PoetryWARNING: Ang storyang ito ay naglalaman at nagtataglay ng mga tula at rants na hango sa mga matinding emosyon.