Green 02

1K 9 0
                                    

"Khezelle! Bilhan mo nga ako ng pakwan, piliin mo yung malaki ah." Biglang utos sakin ni papa.

"Pa, na naman?! Ba't napakahilig niyo sa pakwan , tapos anlalaki pa ang hinahanap niyo. Mama oh! Si papa mahilig sa pakwang malaki!" Eksaktong pagkasabi ko nun dumaan si mama sa harap namin at bigla siyang nadulas.

 At ang mas nakakagulat pa nakuha niya pang mag peace sign pose habang nakahiga sa sahig.

"Jusko kang bata ka, kung ano ano na naman pinagsasabi mo. Aba, sundin mo na inuutos ng papa mo sa'yo." Kunot noong tiningnan ko siya sa sahig habang naka peace sign pose pa rin. Napakamot nalang ako ng ulo ko at lumabas ng bahay. 

Habang naglalakad hindi maalis sa utak ko ang pinag sasabi ng prof namin kanina.

Kapag ang mga lalaki daw kapag pumili ng bulaklak na ibibigay piliin daw nila yung fresh at bagong bago. Yung tipong hindi pa daw nahahawakan ng iba.

Nag react naman ako sa sinabi ni sir, tinanong ko siya kung bakit ayaw niya ng flower na nahawakan na. Masama ba kapag nahawakan na o nahipo ng iba? Wala namang masama sa flower na nahipo na ng iba diba?

Nagulat ako nun ng bigla akong pinatigil ni sir sa pagsasalita kahit hindi pa ako natatapos.

Tapos biglang siyang humarap saakin na namumula ang mukha. Sabi niya lumabas daw ako ng classroom ang bastos daw ng sinasabi ko.

Napa what the flower naman ako sa isip ko.

Ano bang mali sa sinabi ko?

Tapos hindi pa nga natatapos yung sasabihin ko nun!

Napapaisip nga din  ako, baka nasobrahan sa singhot ng flower si sir. Puro flower ang sinasabi kanina eh.

Ilang minuto din nagdaan nakarating ako sa tindahan.

Naghanap akong pakwan at sa kapag sinuswerte ka nga naman. Maraming pakwang binebenta ngayon.

"Manang, pabili ng pakwan." Sabi ko sa nagtitinda.

"Teka lang po." Sabi niya habang abala sa paglalagay ng prutas sa plastic ng isang costumer.

"Gaano po kalaki ang pakwan niyo?" Nagulat ako ng biglang sinabi ng ateng nagtitinda.

"Kailangan ba talagang sabihin kung gaano kalaki?" Kunot noong sabi ko.

"Opo para malaman ko po kung anong gusto niyo."

"Cup B po ate." 

"Huh?" Kunot noong sambit niya. Talagang nagmaang maangan pa to ah!

"Cup B nga po!"

"Ginagago mo ba ako? Anong cup B, hindi naman ako nagbebenta ng bra ah? Tinatanong ko lang kung gaano kalaki ang pakwang gusto niyong bilhin!"

"Aba malay ko ba na ganiyan pala ibig mong sabihin. Bigyan mo na nga lang akong pakwan , yan oh! Oh eto bayad keep the change!" Aalis na sana ako ng makuha ko ang pakwan nang pinigilan niya ako.

"Ano?" Taas kilay na sabi ko sa kaniya.

"Anong keep the change? Kulang ng limang piso ang perang binayad mo."

"Sinabi ko bang keep the change? Wala akong sinabi ah." Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos kong ibigay ang limang piso. Nginisihan pa ako ng gaga.

**

Salamat sa pagbabasa. ❤

-PusangNakahithitNgKatol

Berde nga kasi utak koWhere stories live. Discover now