"Kuya pabili po nitong itlog niyo!" Sabay turo ko sa nakadisplay na itlog. Ba't kaya dinidisplay lang nila yung itlog nila no? Sobrang expose na, hindi man lang natakot baka mabasag.
"Ilan?"
"Dalawa kuya. Yang itlog na malaki na yan ang gusto ko." Hindi ko maalis ang tingin ko sa itlog dahil naaatat na akong kainin yun.
Itlog is life po kasi. Hihihi.
"Dise-sais lahat." Sabi ni kuyang mang-iitlog kaya binigay ko sa kaniya ang bente pesos. Nakatingin pa rin ako sa plastic na may lamang itlog dahil natatakam ko na ang kasarapan nito.
Inabot ko ang sukli at aalis na sana ngunit may napansin akong mali.
Napakunot ang noo ko at tumingin sa palad ko.
"Bakit kendi tong sinukli mo sakin kuya?!" Gulat na tanong ko. Yung as in parang luluwa na talaga mata ko. Basta yun yon!
"Wala akong barya tanging kendi lang maisusukli ko muna."
"Kung ganon sana pala kendi nalang binayad ko sayo ang daming maxx at mentos sa bahay hindi mo naman agad sinabi. Sige alis na ako kuyang mang-iitlog." Hindi ko na siya pinansin at tinuon ulit ang tingin ko sa itlog na nasa plastic.
Lulutuin na kita mamaya. Patawad itlog. Mwahahaha.
---
Kakasubo ko palang ng boiled egg na niluto ko ng mapansing nag vavibrate ang cellphone ko.
1 message recieve daw kaya binuksan ko ang inbox ko.
From: 096969696969696
iQkAw.. LhUngXsZ sHapHught nHaa. XDDD.
#hOneYbUnchie
#cUpcaK3z143
#kHezeLLeNaSaPUsH0_Qoe911
_gM_Ilang ulit ko binasa ngunit hindi nagsisink in sa utak ko. Sa inis ko sinubo ko ng buo ang itlog na natira sa pinggan.
Hindi ako nabilaukan dahil sanay na akong sumubo ng itlog. Pati hotdog nga kinaya ko, eto pa kaya?! Chicken!
Naisipan kong magreply.
To: 09696969696969
Ano pong lengwahe yan? Paki inform po ako kung anong country yan ginagamit, pag-aaralan ko lang po kasi. Ty!
*sent*
Hindi ko naman talaga pag-aaralan syempre para isipin niya na genius ako dahil gusto kong pag aralan yun. Feel ko nga ang tali-talino ko habang tinatype ko yun eh lalo na nung napindot ko na ang send.
Naghintay akong mag reply ngunit nakalipas na ang isang oras ni wala man lang akong may natanggap.
Napagdesisyunan kong tanunin sina mama at papa tungkol sa laman ng text message.
"Ma, bigyan mo nga akong tutor para pag aralan to. Feel ko ang talino ko kapag ganun eh."
"Sige-sige anak." Humagikgik kami ni mama at nag apir pa kaming dalawa.
"Excited na akong kabitan ka ng medal. Akala ko pinanganak kitang mahina ang utak huhuhu." Binigyan ko si mama ng tissue at niyakap.
"Pagsisikapin ko pong pag-aralan yun. Tuturuan ko din po kayo kapag expert na ako dun. Para pareho po tayong matalino. Diba ang ganda ng idea ko?"
----
"Ang juicy naman ng sausage nato. I like it!" Kausap ko sa sausage bago sumubo ulit. Feel na feel ko ang pagkain lalo na nakaupo ako sa ilalim ng puno.
Habang ineenjoy ang kinakain biglang tumunog ang ringtone ng cellphone ko kaya sinagot ko ang tawag.
"Ang ganda ko po, hello sino to?"
"Hoy, may balak ka bang magpakita sakin?" Nakunot ang noo ko at tiningnan ang number ngunit hindi naman naka save sa contacts ko.
"Wrong send po kayo kuya." Talaga namang wrong send siya, mali kaya natawagan niya.
"Anong wrong send?! Wrong number kamo! Hindi ako wrong number, aish! Itetext ko nalang sayo. Nakakabobo ka kausap."
*tooot tooooot*
"Hello...Hello...Kuya?!" Hinipan ko ng paulit-ulit ang cellphone pero hindi ko na narinig ulit boses niya.
Ilang sandali lang naka receive na ako ng message.
From: 0907-------
Meet me at the coffee shop near to your house, tomorrow. 2 pm sharp, don't be late!
O_____o??
Ano daw?!
---
/////////////
CIAO!
Hindi ko alam kung may nagbabasa ba talaga nito oh ano. Hahaha. So yan nga, natripan kong mag update dahil malapit na matatapos pasukan namin. Goodbye research na. Konting tiis nalang. Yeheeey!
P.S. Magparamdam man lang kayo please? ❤❤

YOU ARE READING
Berde nga kasi utak ko
DiversosHalos lahat na lang sa paligid ko sinasabing mas berde pa sa berde utak ko. Eh kasalanan ko bang kung ano ano ang makita ko sa paligid at pwede mo talaga mabigyan ng ibang meaning?! Berde lang talaga kasi utak ko