"Ganun nga, gagawa kayo ng project na magkasabay ng pair mo. Bigyan niyo ng effort at paghirapan niyo ang project na gagawin niyo. Okay lang kapag nahihirapan kayo basta marerealize niyo sa huli na worth it ang pinaghirapan niyong dalawa." Nakangiting pagpapaliwanag ng prof namin sa harap sa gagawing 'Project' daw.
"Ba't pinapadali tayo ni sir sa mga ganiyang bagay-bagay? Dise-otso palang kaya ako hindi ko pa kayang isuko ang pinaka-iniingatan."
"Ano namang kaabnormalan pinagsasabi mo?" Saad ng katabi ko.
"Sabi ko kako, hindi pa ako ready sa pinapagawa ni Mr. Sun masyado niyang pinapadali ang mga bagay baga--" Napatigil ako nang hindi pa pala natatapos ang speech ni Mr. Sun.
"Give all your best para maging succesful ang gagawin niyo. Good luck, kakayanin niyo yan." Nakangiting sabi pa ng prof kong nag sha-shining and shimmering ang ulo at kumembot pa bago umalis. Magwa-walkout na nga nakuha pang magpakitang gilas. Akala mo naman ikinagwapo--ganda pala -__- ang ginawa niya.
"Kita mo na! Pinupush talaga tayo nung prof na yun eh! Hindi kaba naaawa sa ating mga kapwa estudyante? Ang dumi ng nasa isip ng prof natin! Karapat-dapat siyang mapatalsik!"Napatayo na ako sa upuan ko habang nasa ere ang kaliwang palad ko na nakakuyom na tila susugod sa isang giyera.
"Gaga, kailangan mong magpacheck kung nasobrahan ka ng chromosomes. Naaabnormal ka eh." Inirapan pa ako ng gaga at nilagyan ng distansya ang upuan naming dalawa.
Akala niya gusto ko din siyang katabi eh. Ang liit nga ng ano niya kahit cup B lang ako medyo malaki laki din yung akin kesa sa kaniya. Mukhang nagbe-baby bra pato kahit dise otso na.
May pairap irap pa siyang nalalaman akala niya ang laki ng ano niya. Bugnutin ko ano niya eh.
YUNG BUHOK NIYA AH! Wag kayong ano! Ang dudumi ng iniisip buti pa ako..
Maganda pa rin naman. *irap matching flip my hair back and forth*
----
"Khezelle naman, I just want to fix things between us. Gusto kong magkabalikan na tayo." Napairap ako sa isip ko at naka kunot noong tiningnan ang asong kanina pa sumusunod sa akin.
"Wala na nga akong dog food! Sunod ka ng sunod sa akin wala na akong maibibigay sayong aso ka." Tinalikuran ko ulit siya ngunit hinawakan niya ako sa braso.
"Bes, alam mo. Huwag mong pilitin makuha ang napakagandang bagay na binitawan mo. Pinili mo yun kaya panindigan mo. Anong tingin mo sakin, reserba? Kung wala kang mapaglaruan ako ipapalit mo pansamantala, samantalang naghahanap ka? Aba't gago ka pala, ni hindi mo nga ako binabayaran tuwing kukunin mo ako napakamahal ng talent fee ko. Tama na ang pagpapakatanga, sayang ang ganda ko. Umalis kana bago kita mahalikan---este mabugbog diyan."
"Alam kong gusto mo ding bumalik ang lahat sa dati. I know that you still love me and I feel the same too. I love you, please come back to me."
"Huwag mo kong ma I love you diyan. Kurutin ko ang ano mo eh. Nanggigigil na ako ha!"
"Handa akong magpakurot basta bumalik ka lang sa piling ko."
"Oh ano, ipapasa naba natin to sa peysbuk? Bwisit ka. Ang mais mo, gago. Ulul. Hindi mo na ako maloloko. Diyan ka na nga sinasayang mo oras ko."
---
Yung feeling na wala ng exam. Y E H E Y.
Ok share lang.

YOU ARE READING
Berde nga kasi utak ko
RandomHalos lahat na lang sa paligid ko sinasabing mas berde pa sa berde utak ko. Eh kasalanan ko bang kung ano ano ang makita ko sa paligid at pwede mo talaga mabigyan ng ibang meaning?! Berde lang talaga kasi utak ko