"Try mo kasi yun! Parang nasa heaven ka. Sobrang napakasarap sa feeling."
"Talaga? Wala pa akong experience nun eh. Natatakot ako."
"Mas mararamdaman mo ang happiness kung itaas mo ang kamay mo sabay pikit ng mga mata at sumigaw."
"Woaah, talaga? Itatry ko yan hihi. Mukhang exciting eh. Salamat sa tips, ha."
O___O Gulat na mukha akong nakatayo sa gitna ng hallway ng marinig ang pinag-uusapan ng dalawang estudyante.
Nasa loob sila ng eskwelahan tapos kung ano ano ang kinukwento. Mga kabataan ngayon ang babastos ng mga isip.
"Akala niyo hindi ko narinig yun? Ang babata niyo pa kung ano ano na ang pinaguusapan. At ikaw namang lalaki ka ba't tinuturuan mo pa to kung ano ang gagawin? Ayaw na nga niya pinupush mo pang gawin niya! Alam mo bang delikado yun?! Paano na ang future niyo? Masisira lang sa mga walang kwentang plano niyo. Think before you decide mga bhe. Ansakit niyo sa bangs!" Tiningnan ko sila ng nakataas ang kilay at gulat silang dalawang tumitingin sa akin.
"I-Iniinvite n-niya l-lang p-po kasi ako--" Pinutol ko ang sasabihin ng babae at tumingin sa lalaki.
"Ah! Kaya pala! Ikaw pala ang nagiinvite. Ke lalaking tao ikaw pa ang nag aaya! Ano ang pangalan mo?" Tanong ko sa lalaki.
"Brokser po."
"Ano?! Boxer?!" Gulat na sigaw ko. Napatingin naman ang mga nasa hallway pero inirapan ko lang sila.
"B-Brokser po." Namumulang tugon niya. Anong problema nito? Nagtatanong lang naman ako ah.
"Ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong ko naman sa babae.
"Patty po." Mahinang sambit niya.
"Panty?!" Nanlaki ang mata ko.
"P-Patty po!" Lumakas ang boses niya at namumula din. Problema ng dalawang to?
"Isusumbong ko kayo kay Dean." Taas noong sabi ko sa kanila. This time, sabay naman lumaki mga mata nila.
"Naku ate, pasensiya na po. Hindi ko naman po alam! Inaaya niya lang naman po kasi akong sumakay ng roller coaster ride eh. Hindi ko po alam na bawal yun. Sorry po talaga. Ikaw naman kasi eh! Sinabi na ngang ayaw ko pinilit mo pa ako!" Tumakbo ang babae papalayo at sinundan naman siya ng lalaki.
Napakamot nalang ako ng ulo ko. Malay ko bang gusto lang niya palang sumakay ng roller coaster?
Di bale na nga, kasalanan nila yun. Hindi nila agad sinabi saakin eh.
-----
Happy new year! <3
Ang lameeeg. T_T

YOU ARE READING
Berde nga kasi utak ko
RandomHalos lahat na lang sa paligid ko sinasabing mas berde pa sa berde utak ko. Eh kasalanan ko bang kung ano ano ang makita ko sa paligid at pwede mo talaga mabigyan ng ibang meaning?! Berde lang talaga kasi utak ko