Green 07

300 7 1
                                    

Hindi ko alam ba't gumising ako ng alas dos ng hapon plano ko sana alas tres pa eh, so yun nga naligo lang ako ng mga three minutes and thirty-two seconds.

"Oh san punta mo?" Tanong ni mama ng makababa ako ng hagdan.

"Magdedate po ma." Diretsong sabi ko at inayos ang maliit na backpack na dadalhin  ko. Kapatid ako sa labas ni dora. Actually, saakin talaga dapat si boots pero inagaw ng gaga, malanding mang-aagaw yung kapatid ko na yun, sarap  bugnutin ng bangs niya sa totoo lang.

"Halika nga dito Khezelle." Seryosong sabi ni mama kaya naman lumapit ako.

"Bakit?" Hinipo niya ang noo ko.

"Wala ka namang sakit, nagsasabi kaba talaga ng totoo? Bakit parang sobrang mali pakinggan ng sinabi mo." Pinaikot niya ako at tiningnan mula ulo hanggang paa. 

"Wait ichecheck ko lang baka tinira mo lang yung baygon katol na binili ko."

"Ma, yung hotdog at itlog po tinira ko hindi yung katol. Nakakaadik po kasi talaga yun. Try mo. Hihihi." Hinampas-hampas ko siya kunwari sa braso kaya binatukan niya naman ako.

"Kuntento na ako sa papa mo no." Nakangiting sabi niya at napapahagikgik pa.

"Kaya pala, nabuo niyo kami ni kuya. Ganon mo po ba talaga naenjoy hotdog niya? Hehehe--ARAY!" Pano ba naman, sinabutan niya ako bigla.

"UMALIS KA NA, KUNG AYAW MONG AKO ANG TUMULAK SAYO PALABAS! JUSKO KANG BATA KA AT YANG KABERDEHAN MO." Nag peace sign ako sa kaniya at tumakbo palabas ng bahay. Mukhang lalabas na mga lamang loob niya sa pagsigaw niya.

Maiba tayo.

Saan nga ba punta ko ngayon? Napakamot ako ng ulo ko ng makalimutan ko kung ano gagawin ko.

Napadaan ako sa coffee shop malapit dito sa tinitirhan namin kaya naisipan ko namang pumasok sa loob.

Nag order ako at umupo para maalala ko kung ano nga ba ang gagawin ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang may umupo sa harap ko.

"Buti naman naisipan mong pumunta. Alam mo ba kung anong oras na?" Nakanganga akong nakatingin sa lalaking nakaglasses sa harap ko. Anak ng hotdog, ba't ang gwapo ng nilalang nato?

"Mahilig ka din ba sa hotdog?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Ano?" Narinig kong sabi niya kaya napabalik ako sa tamang pag-iisip. Wow, may tamang pag-iisip pa pala ako? Hehehe.

"Ahh ano, hehehe. Sino ka?" Nilagay ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko at dahan dahang kinukurap mata ko.

"Don't try to be cute in front of me dahil hindi tatabla sakin yan." Nawala ang ngiti ko at umayos ng upo. Nakasmirk pa siyang nakatingin sakin. Akala mo naman ikinagwapo niya.

Joke.

Gwapo naman talaga siya.

"So anong kailangan mo sakin? Stalker ba kita? Wait, parang familiar ang mukha mo sakin eh. Nagkita naba tayo?"

"Unang una, wag kang mag-assume,  sa gwapo kong to? Mag-aaksaya lang ng oras para istalk ang tulad mo? No way. Pangalawa, etong mukhang to hindi mo natatandaan?! Slow kalang ba talaga o ano, magkaklase tayo!"

"Ahh." Napatango tango ako at nagpatuloy sa paginom ng kape.

"Hoy!" Napatingin ulit ako sa kaniya.

"Ano na naman?"

"Did you receive my text message I sent to you yesterday?" Kunot noong tanong niya sakin.

"So, galing pala yun sayo? Yung kakaibang language?" Nagliwanag ang mata ko.

"Anong kakaibang language? I even called you and I decided na Itext kanalang dahil nakakabobo mong kausap. Here." Pinakita niya sakin ang message.

"Ahhh! Kaya pala lumabas ako ng bahay. So anong naisipan mo bakit gusto mong magpakita sakin?" Natigilan ako at nagulat sa naisip ko.

"Omyghad. Don't tell me-- Don't tell me." Kumakabog ng bongga ang puso ko habang nakatingin sa kaniya.

"What?"

"Don't tell me, don't tell me--- Nagbebenta ka ng katawan at ako naisipan mong ibenta?! Gwapo ka naman, pero hindi ko akalaing sindikato ka! Pero wait lang, pagiispan ko pa rin."

"What the heck?! Nagiisip ka ba?! O wala ka talagang isip? At isa pa? sino naman maglakas loob ibenta katawan mo? Wala naman silang may makukuha sayo. Kahit dibdib nga wala ka eh. Maraming pagkukulang ang katawan mo." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Nakipagkita kaba para insultuhin pagkatao ko?" Naiinis na saad ko.

"Nandito ako para sa pinagawang project ni panot. Magkapair tayo, ulol. Simulan mo ng gawin yun. Next week, na ipapass yun." Nakuha niya pang ilagay kamay niya sa batok niya animo'y feel na feel ang pag-upo.

"At bakit ngayon mo lang sinabi to?"

"Dahil ang pogi ko." Nakangising saad niya. Nagtitimpi na talaga akong sipain betlog niya sa totoo lang.

"So ano ng plano mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala." Simpleng sagot niya.

"Anong wala?!" Naiinis na tanong ko.

"Syempre tutulungan naman kita. Tutulungan kitang manood habang ginagawa mo ang ipapasa nating project."

"Pinapalabas mo bang hindi mo ako tutulungan?!" Isa nalang! Isa nalang talaga!

"Exactly! Akalain mong tama ka dun?" Tuwang-tuwang saad niya.

"Lumapit ka nga dito." Lumapit naman siya.

"Bakit?" Ngiting aso niyang saad.

"Alam mo bang kanina pa ako nagtitimping gawin to sayo?" Nakangiting saad ko sa kaniya.

"Ang halikan ako? Sige, gawin mo lang. Alam ko naman kanina mo pa ako nirerape sa utak mo."

"SHIT! PUTANG--?!*#(×₩₩"

"Condolence sa betlog mo." At pinatuloy ko na ang pag-inom ng kape.

Tinanong pa ako ni ateng waitress kung anong nangyari. Sinabihan ko namang nagsho-shooting lang kami. Naniwala naman ang gaga. 

------

Ciao! Ciao!

Maraming salamat sa mga nagbabasa ng kaberdehang/kajejehang kwento ni Khezelle.

Kahit hindi kayo nagvovote, naapreciate ko naman pagbabasa niyo.

Kahit isa o dalawang vote every chapter. Masaya na ako. Hahaha.

Thank you sa nag comment ng previous chapter. Salamat sa effort. Pati narin sa nag vote. Mwaaah. :*

Saranghae❤

Berde nga kasi utak koWhere stories live. Discover now