Green 04

492 7 0
                                    

Naglalakad ako habang sinisipsip ang samting na mahaba at malaki-laki na din sa ngayon dahil umiimprove ang tindahan ni aling titi-- I mean, aling tuti.


Yung ice candy ang ibig kong sabihing sinisipsip ko, wag kayong berde.


Tumingin ako sa paligid. Nagkalat ang mga jejemon at mga batang putik. Meron ding mga magjowa na akala nila tatagal sila kahit hindi naman. Meron ding nageemo, nagsesenti, at nagtatawanan.


"Honey babe sweetie pie my one and only tinapay. Subuan mo nemen eke. Hihihi."


"Sige baby cakes my one and only icing sa ibabaw ng cupcake ko. Open your mouth, say ahhh."


'Mabulunan sana.'


'Magbe-break din kayo, tingnan mo.'


'Walang forever!'


Maraming mura na akong nasabi sa isip ko habang nakatingin sa dalawang naghaharutan sa harap ko.


"Erey! Nekeget ko eng dila ko baby sweeteh pie. Heleken mo nemen pere mewele. Hihihi."


Muntek ne ekeng mebelenen se senabe neng bebee.


Binatukan ko ang sikmura ko ng marealize kong nadadala na ako sa mga pinagsasabi ng babae.


Napairap ako sa dalawa at sinadyang dumaan sa gilid nila at pasikretong hinigit ang ilang buhok ng babae.


Narinig ko pa siyang nagreklamo at naginarte.


Dakyu siya, malaglag siya sana sa kanal.


Napahawak ulit ako sa tiyan ko. Nagugutom pa rin ako at hindi ako kuntento sa ice candy ni aling ti-- I mean, aling tuti.


Suggest nga kayo na pwedeng isubo sa bibig, yung masasarapan ako at mabubusog ha? Hehehe.


Nagtingin tingin ako kung may convenience store na pwedeng bilhan ng pagkain pero tanging mga food stalls lang nakikita ko.


Maraming food stalls ang nakakalat sa paligid at tanging isa lang ang nakapukaw ng atensiyon ko.


Lumapit ako sa hotdog stand at nagtingin tingin.


"Masarap ba isubo ang mga hotdog mo?" Tanong ko kay ate girl na busy sa pagtutusok ng hotdog. Napatigil naman siya at gulat na napatingin sa akin.


"A-Ah o-opo. Meron po kaming hotdog with cheese, meron ding hotdog na chicken, meron din kaming malaking hotdog at meron din po kaming foot long kung gusto niyo ng mahaba." Tumango tango ako.


"Ayaw ko ng mahaba yung malaking hotdog gusto ko. Bigyan mo kong isa." Sabi ko sa kaniya.


"P-Po?" Nauutal na tanong niya. Ano na naman kaya problema nito?


"Hotdog na malaki kamo ang gusto ko, ayaw ko nga kasi ng mahaba. Malaki gusto ko, MALAKI!" Inulit ko sa kaniya sinabi ko at inemphasize bawat salita para maintindihan niya.


Nagtaka ako ng biglang namula tenga niya at dali daling nilagay sa grill ang hotdog na malaki.


Binigay ko ang pera sa kaniya at dali dali niya namang inabot saakin ang sukli at tinulak niya pa ako ng mahina upang makaalis na.


Anong problema niya? May sinabi ba akong masama? Hotdog na malaki lang naman gusto ko ah!


----


Goodnight mga bes. :* Salamat sa pagbabasa.


-PusangOinkOink

Berde nga kasi utak koWhere stories live. Discover now