Green 01

1.7K 17 1
                                    

"Hoy! Ba't ang haba nito ,di ko ineexpect to ah!"

"Mas maganda nga kapag mahaba eh."

"Anong maganda?! Gusto mo talagang nahihirapan ako eh no?" Tiningnan ko ulit kung gaano kahaba, aba't di ko talaga keribels yan.

"Tss. Kanina pa ako napupuno sa kakarekla--."

"Teka nga. Ba't ang laki din neto?! Hindi to kakasya sa kamay ko!" Tiningnan ko siya ng masama at ngayon siya pa ang may ganang tumingin sakin ng nakamamatay.

"Ba't namumula ka diyan? Inaano kita?"

Inis niyang tinampal ang noo niya at binaling ang tingin sakin with matching tiger look pa ha. "Hinaan mo nga ang boses mo!"

"Totoo naman kasing ang laki neto. Nung una, akala ko etong mahaba lang ang paghihirapan ko pero eto pang malaking to! Masasaktan ako niyan. Plus sa mahaba pang yan." Napacross arms ako at inismiran siya.

"Khezelle!" Kita mo na. Siya nga tong sigaw ng sigaw din eh -.-

"Bakit? Hindi kaba nahahabaan netong sinulat mo?! Tapos etong ballpen pa na kasing laki ng hinlalaki mo?! Talaga bang nasisiyahan kang nahihirapan ako? Anlaki na nga ng ballpen mo tapos ang haba pa ng pinapasulat mo sakin. Nasan hustisya brader?"

"Tapos ano, magtitigan nalang tayo dito? ANO SAGOT?" Sinabunutan niya sarili niya bago umalis sa harap ko.

Hindi ko naman kasi talaga ineexpect na ganun pala kahaba ang pinapasulat niya.

Pagkatapos ko ginawa ang lecheng inutos ng magaling kong kapatid agad akong lumabas ng bahay para di na mautusan ni inang senyorita.

Hindi ko intensiyon kumain pero tila nang aakit ang batang to.

Mukhang ang sarap ng kinakain niya
San kaya niya nabili ang something na mahaba na pwedeng sipsipin? Mukhang ansarap eh.

Nilapitan ko ang bata at kaagad na hinablot ang buhok. Joke. Syempre tinulak ko muna para mapansin ako. "PSST! San mo yan nabili yang sinisipsip mo?"

Nanlaki ang mga mata ng bata at mukhang nagulat pa.

Ganito na ba talaga kagulat-gulat ang mukha ko?

"Ano po?"

"San mo kamo nabili yang sinisipsip mo?"

"Eto po?" Turo niya sa sinisipsip niya kanina.

"Oo, ano pa ba ang sinisipsip mo maliban diyan?"

"Wala na po!" Mabilis na tugon niya sa tanong ko.

"Eh edi yan nga! San mo ba nabili yan?"

"Dun po sa tindahan ni aling tuti." Mga mata ko na naman ang nanlaki. Ano daw?!

"Ano?! Sa tindahan ni aling titi?!"

"Tuti po!" Woosssh akala ko naman titi. Mukhang ansagwa pakinggan eh

So ayun nga, pumunta na akong tindahan ni aling ti-- este tuti at bumili ng something na mahaba na yun. Napag alaman kong ice candy pala yun. Infairness ang sarap nga niyang sipsipin ah.

-- -- --

Berde nga kasi utak koWhere stories live. Discover now