Chapter 4

782 12 1
                                    

"Sinabi niya talaga yun?" pagulat na tanong ni Emy

"Oo bes! Sabi niya crush ko daw siya!" 

"Wow ha. Ang kapal ng face" 

"Sobrang kapal talaga." sagot ko.

Nag lakad kami papunta sa cafeteria. May nakita kaming vacant na table tapat sa vending machine at duon kami umupo. Yung ulam ni Emy porkchop. Ang sarap, sunog nga lang. Tapos yung ulam ko pineapple chicken. Kinuha ko yung phone ko sa aking bag. Scrolling through facebook, and apparently ang Team JeLai nag broke na dahil kay Toni Fowler. Ha. Wala talagang poreber. Umalis sandali si Emy para mag cr, at nag kunwari akong busy sa phone ko para hindi naman ako mag mukhang loner. Tapos biglang, napansin ko na may umupo sa tabi ko. 

"Wow pininyahang manok!"

Tumingin ako sakanya. I sighed, and inirapan siya. It was Dino. Dino the feelingero. Dino na ang kapal ng mukha na mag sabi na may gusto ako sakanya. Dino na feeling gwapo na mukha namang driver ni Coco Martin. Nilabas niya yung baon niya then he started eating. "Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Dino. He looked at his food then to me, "Katkat, Hindi ba obvious? Kumakain ako oh" pa-pilosopo niyang sagot. 

"First of all. Don't call me KatKat. Second, You didn't even ask kung pwede kang maki-upo at sumabay kumain sa amin ni Emy, and lastly---" patapos na sana ako mag salita kaso bigla siyang sumingit. "Sandali. Sandali" sabi ni Dino. Nilunok niya yung kinakain niya tapos kinuha niya yung tissue niya to wipe off his mouth.

"Bat naman hindi kita pwede tawaging katkat? Eh yun naman nickname mo diba? Eh mukhang sanay ka naman na tawagin kang katkat ah" sabi ni Dino. 

"Yung mga close ko lang ang pwedeng tumawag sa akin ng katkat. " pa-taray kong sinabi kay Dino. Then he smirked me at me. "So, hindi pala tayo close?" Tanong niya. I put my chin up and looked directly in his eyes. "Oo. Hindi tayo close" sagot ko. 

"Muka mo" sabi ni Dino

"Ano?"

"Anong hindi close? Muka mo!" paulit na sinabi ni Dino. I ignored him. Inirapan ko lang siya and continued finishing my lunch. Nakita ko na din si Emy na papunta na sa table namin. I felt relieved. Hayy sa wakas. Ewan ko ba. Mukhang hindi ko talaga kayang tiisin na si Dino lang kasama ko. 

"Hindi close ka diyan, Eh nasa bahay mo nga ako kahapon eh. Kumain pa ko sainyo. Umihi pa ko sa CR niyo, Umupo pa ako sa sofa niyo. Nanuod pa ko sa TV niyo, Naglaro pa kami ng---"

"Oo na. Gets ko na. Sige na" sabi ko, giving up kasi he started being annoying and medyo may point din naman siya. Nakarating na sa wakas si Emy, umupo siya ang started eating her sunog na porkchop. "Oo nga, nachismis sakin ni Katie na nasakanila ka kagabi." sabi ni Emy kay Dino. "Eh gano ka ba katagal dun sa bahay nila Katie?" tanong ni Emy kay Dino.

"Nakauwi ako sa bahay namin mga 12:30 na. So medyo matagal din" sagot ni Dino.  Tapos tumingin sakin si Emy. "Wow ha. Late na late na yun" sabi ni Emy. "Oo. Nung paalis na nga ko, nung dumaan ako sa kwarto nito ni Katkat, narinig ko na siyang humihilik eh" sabi ni Dino. Tapos tumingin ako ng masama sakanya. Gusto ko siyang suntukin kaso baka kung anong isipin ng mga tao. Kaya imbis na gawin ko yun, kinain ko na lang yung dalawa niyang chicken nugget na baon. 

"Hoy!!!" sigaw ni Dino. "Bat mo kinain yun! Wala na akong ulam oh!"

"Pakyu" sagot ko

"Ang sama mo talaga! Tukmol!" sigaw ni Dino. Tapos biglang tumawa si Emy. "Alam niyo" sabi niya, kaso tumawa nanaman siya kaya naputol. "Bagay kayong dalawa"  Tumingin ako kay Dino. Tapos siyempre, feeling gwapo siya kaya kinindatan niya ako. Kami? Bagay kami ni Dino? Tsss. As if. Tinignan ko yung baon ko, at mga dalawang subo na lang mauubos na. 

"Ahh Dino. Ano nga pala course mo?" Tanong ni Emy

"Accounting"

"Talaga? Ayos yun!" masayang sinabi ni Emy. "Bakit?" patakang tanong ni Dino. "Eh kasi, may hindi ako magets sa accounting eh. Baka pwede mo naman kaming tulungan ni Katie" sabi ni Emy. Tapos nagulat ako sa sinabi niya, anyare bat nadamay ako. "Hala, bat kasama ako diyan?" sabi ko. 

"Kunwari ka pa. Halatang hindi mo din alam yung gagawin sa Accounting eh" sabi ni Emy. "Nakita ko yung quiz mo kanina noh. Ang dami ngang mali eh!" Narinig kong tumawa si Dino. Tapos bumulong siya ng, bobo mo pala eh. Ang sama din talaga ng ugali ng mokong na toh. "Kelan free time mo? Baka pwede mo naman kami tulungan oh" nagmaka-awa si Emy. "May spare ka ba?" tanong ni Emy. 

"Wala eh"

"After school? Pwede ba?" 

"Sige" sagot ni Dino "Eh saan?"

"Hmm.. Sa Coffee Shop kaya?" sabi ni Emy. 

"Maingay dun" sabi ko. 

"Ah Oo, Tama. Sa Library na lang" sabi ni Emy

"Minsan maingay din sa Library eh, Yung mga teenagers na pa-cool kid"

"Eh kung sa bahay niyo na lang" sabi ko kay Emy

"Bahay namin?" sabi ni Emy "Ay nako! Ayoko nga, ang gulo kaya ng bahay namin. Sainyo na lang." sabi sakin ni Emy. "Hala. Bat sa amin? Bakit hindi sa bahay na lang ni Dino" I argued. Then we both looked at Dino. He shrugged. "Pwede din"

"Ganto na lang, bato bato pick na lang kayo. Kung sino ang talo duon tayo sa bahay niya"


************

*Ding Dong*

Si Mama nasa bahay ng tita ko, hindi ko din alam kung bakit nanduon siya. Siguro makiki-chismis lang. Yung kuya ko naman nasa trabaho mamayang 12:00 am pa yata siya makakauwi. So basically, ako, si ate at si papa lang ang nasa bahay right now. Day off kasi ngayon ni papa. Right now, nanunuod kami ng The Purge: Anarchy sobrang astig nung movie. Ewan ko ba, mahilig talaga kasi ako sa patayan na action movie. 

*Ding Doooong!*

"Ano? Wala bang magbubukas ng pinto?" pa-iritang sinabi ni Ate. Tinatamad ako, buti na lang tumayo si Papa tapos siya yung nag-bukas ng pinto. "Ah baka si Mama mo na ito" sabi ni Papa, then he unlocked the door. 

"Hello po!" 

Napalingon ako. Si Dino na sa harap ng pintuan namin, dala dala yung school backpack niya. Tapos napa-face palm ako. Ay oo nga pala. Ako pala yung talo. Dito pala kami mag aaral. Bwiset kasi, sabi na dapat nag scissor na lang ako eh, naramdaman ko na, na mukhang papel yung tira ni Dino kaso bato pa rin yung ginawa ko. Hay nakoo Katie. Bakit ngayon pa ko magsisisi eh past is past naman din. 

"Nandiyan po ba si Katkat?" tanong ni Dino kay Papa

Tapos bigla kong naalala, wala nga pala si Papa sa bahay namin kahapon kaya hindi niya na-meet si Dino. "Katkat may bisita ka!" sigaw ni papa. Lumingon ako sakanila. "Sige pasok" sabi ko. Tapos iniwan ni Dino yung tsinelas niya sa labas then Papa locked the door behind him. "Nandito na si Emy?" tanong ni Dino. "Wala pa eh" sagot ko. Tapos binaba niyung backpack niya then he sat beside me. 

"Anong movie yan?" tanong ni Dino. Hindi agad ako naka-sagot sa tanong niya, kasi tutok na tutok ako sa nangyayari sa movie. Papatayin na nung clown yung bata eh. "The Purge: Anarchy" sagot ni Papa. 

"Astig" sabi ni Dino. Napatingin ako sakanila, and I saw Papa smiled at Dino. "Have I met you?" tanong ni Papa kay Dino. Tapos bigla akong napa-lunok. Nabasa ko kasi sa mga mata ni papa na feeling ko, na feeling niya na may something kami ni Dino. So, bago sumagot si Dino, inunahan ko na siya. "Pa, nandito siya kasi mag-papaturo kami ng accounting ng kaibigan ko, eh yung bahay natin yung naging venue, Kaya yun" inexplain ko. Papa nodded "Eh asan na yung isang kaibigan na tinutukoy mo?" tanong ni Papa. "Ewan ko din." sagot ko.

"Textsan mo na nga" sabi ni Dino

"Sige, teka." Binuksan ko yung phone ko para textsan kung nasan na siya, at yung una kong nakita sa lock screen ko eh yung message sa akin ni Emy.

Emy: Bes, Sorry. Hindi ako makaka-punta. Monthsary pala namin ng boyfriend ko ngayon. 


Sana Crush Ako ni Crush ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon