*Author's Note*
At ako po ay nag-babalik!! Hahaha sorry po kung nabitin kayo sa last chapter. Anyway, ito na! nag-update na ako sa wakas! Kaya ano pa ang hinihintay niyo!? Wag niyo na basahin tong Author's Note! Go! I-scroll down mo na ito beshie. Hahaha ge bye. Yun lang. Enjoy reading!
***************
*Dino's point of view*
Maaga akong nagising. 8:00 pa pasok namin pero 6 am gising na ako. Tinignan ko muli yung relo ko, Time check - 7:00 am. Punta na kaya ako sa bahay ni Katie? Hmm. Kaso baka hindi pa siya ready. Nag-online ako sa facebook para icheck kong online na siya, kaso offline. Hindi kaya tulog pa yun? Nanuod na lang ako ng TV pampalipas oras. Wala talagang magandang palabas pag umaga puro news lang, eh hindi naman ako mahilig manuod ng balita. Nag-cellphone na lang ako.
"Dino, anak, patayin mo na lang yang TV kung hindi ka naman manunuod" sabi ni mama
"Nanunuod ako ma"
"Nag-cecellphone ka naman dyan eh! Ipatay mo na yang TV! Sayang sa kuryente!"
"Abot mo sakin yung kutsilyo ma! Papatayin ko na tong TV tong!"
"Pilosopo kang bata ka! Umalis ka na nga! Pumasok ka na! Alis!" sigaw ni mama at biglang hinagis ang tsinelas niya sa akin. "Pilosopo kang bata ka. Isusumbong kita sa tatay mo mamaya!"
Kinuha ko na yung bag ko at yung susi ng kotse, tinurn-off ko na din yung TV. Ang angas talaga ng nanay ko, ang bilis mag beastmode. Tinignan ko uli yung relo ko at time check - 7:20 na. Ang bilis talaga ng oras. Umalis na ako sa bahay at pumunta na kina Katie. Hindi na ako nag-doorbell kasi bukas naman yung gate nila. Pero kumatok naman ako sa pintuan nila. Yung ate ni Katie yung nag-bukas ng pinto.
"Good Morning po" sabi ko
"Morneng. Pasok lang" sagot ng ate ni Katie. Ang dilim pa ng bahay nila yung ilaw lang ng kusina yung naka-bukas. Maya maya, narinig kong may bumababa sa hagdanan nila. Aba, mukhang excited din si Katie na sabay kaming papasok ngayon sa school ah.
"Aga aga bro bat ka nandito?" tanong ni Kaden. Pucha kala ko si Katie na, hindi pala.
"Tulog pa kapatid mo?"
"Si Katie?"
"Oo. Gising na ba siya? Sabi ko kasi kahapon sakanya sabay kami pumasok." sagot ko
"Bro, umalis na siya kanina pa. Nagpahatid siya kay Papa."
***************
*Katie's point of view*
Maaga akong nagising para hindi ako maka-sabay kay Dino. Pinalano ko na lahat ang gagawin ko. Ang pasok ni papa ay 7:00 am, at magpapahatid ako sakanya. Alam kong 8 am pa naman ang start ng klase ko pero isang oras lang naman ang hihintayin ko. Makakanuod pa ako ng isang episode ng best korean variety show na, Running Man.
Nag-alarm yung phone ko ng 6:00 am. Natapos ako maligo ng 6:15, nag-breakfast ng 6:30 at umalis ng bahay ng 6:45am. Nasa kotse na kami ni papa and on the way na sa school.
"Anak, may exam ka ba ngayon?" tanong ni papa
"Wala po"
"May project kang hindi natapos noh"
"Project? Wala kong project pa"
"Ha? Eh bakit ang aga mo pumasok ngayon?"
"Ah... eh... Napa-aga lang talaga ang gising ko ngayon pa" sagot ko
"Talaga? Nakakapanibago ka naman anak."
"Bakit naman po?" tanong ko
"Eh kasi diba lagi kang late"
Tinawanan ko na lang si papa. Lumipas ang oras at sa wakas nakarating na din kami sa school. Nag-paalam ako kay papa at agad nang pumasok sa eskwelahan. Wala pang masyadong estudyante ang aga pa kasi eh. Tinextsan ko si Emy kung anong oras siya papasok pero wala pang reply siguro tulog pa yun.
**8:00 am. First Period**
"Please open your book to page 120 then answer questions 1 to 25 on page 122"
Ano ba yan. Ang aga aga seatwork agad. Badtrip hindi nanaman mag tuturo itong teacher kong toh.
Si Emy nga pala nag reply na. Hindi daw siya papasok ng first period kasi nalate siya ng gising kaya next class na lang siya papasok. Hayy. Kaingit naman, Sana pala hindi na lang din ako pumasok ng first period. Nakakainis talaga itong best friend ko! Ang daya! Di man ako ininform na di siya papasok eh di sana hindi na rin ako pumasok.
Tinititigan ko yung question one nang biglang may kumatok sa classroom. Napalingon ako, kasi baka yung vice principle? Baka mag announce na walang pasok. After ng katok, bumakas yung pinto and it was Dino.
"Im sorry to disturb your class Ms. Petmalu, but can I please talk to Katie for a minute?"
"Alright. Make it fast"
Jusko istorbo naman oh. Tumayo ako at umalis na ng classroom. "Busy ako" sabi ko kay Dino.
"Diba nag message ako sayo kagabi"
"Oh?"
"Oo. Sabi ko sabay tayong pumasok. Pumunta ako sa bahay niyo kanina mga 7:30" sagot ni Dino, halata na medyo naiinis siya kasi matigas yung pagkakasalita niya.
"Sabi ni papa sabay na daw ako sakanya eh"
"Sinungaling" sabi ni Dino
"Tsk! Oo na! Ayoko kasi sumabay sayo" inamin ko. "Bakit naman?" tanong ni Dino
"Eh ang awkward kaya!"
"Anong awkward?"
"Ang awkward kasi-"
"Kasi ano?" tanong ni Dino
"Kasi eto. Iba na eh. Hindi na ito friendship treatment. Nanliligaw ka na kasi, diba?"
"Ang labo mo Katie. Ganon naman talaga ang gawain pag nanliligaw, ihahatid sundo ang babae" sagot ni Dino
"Basta!"
"First time mo kasing may manligaw sayo kaya ganyan ka"
"Hoy ang kapal mo! Anong first time! May nanligaw na sa akin dati noh!" galit kong sinigaw. Biglang lumabas si Ms. Petmalu, narinig siguro yung sigaw ko.
"Katie get back in the classroom and no shouting in the hallway!"
Bwiset. Napagalitan pa ako. Tumingin ako ng masama kay Dino at inirapan siya, nung papasok na ako ng classroom bigla sumitsit si Dino.
**Pssst**
"Ang cute mo pag galit ka"
"Ulol!" sagot ko
"Katie! Inside the classroom! Now!" sigaw ni Ms. Petmalu
Pumasok na ako sa loob ng classroom, masama kasing ma-high blood tong si Ms. Petmalu. Umupo uli ako sa desk ko. Dino was right. Siya ang una kong manliligaw. Never pa ako nagkaroon ng manliligaw kaya I dont really know how to react or what to do.
I awakened myself from my thoughts then thats when I just realized na, nasa question one parin pala ako. Shit. 25 questions pa toh.
BINABASA MO ANG
Sana Crush Ako ni Crush ♥
Teen FictionPag may crush ka sa isang tao, para kang tanga. Everyday sa school, ginagawa mo ang lahat para lang maka-silay kay crush. Stalker. Ikaw yun eh. Isang magaling na stalker. Inii-stalk mo lang si crush palagi at nagpapatansya na magiging kayong dalawa...